Ayon mismo kay Napoles, na dismissed na noon pa ang kasong serious illegal detention sa Department of Justice subalit kinikikilan umano siya ng pera ng dating sekretarya upang hindi na muling buksan pa ang kaso.
Pahayag nito, "Wala naman po talagang illegal detention na nangyari. Ito po ay extortion lamang. Dismissed na po ang kaso na ito sa DOJ noon pa." Ng tinatanong kung sino ang nag-extort ng pera, sinabi nito na isa si sekretarya Leila de Lima.
Dagdag pa nito, nasa P300 milyon raw ang kabuuang halaga na sinubukang kikilin sa kanya at ng iba pang mga personalidad na itinanggi nitong pangalanan.
Naniniwala naman si dating senador Jinggoy Estrada na malaki ang maitutulong ng manifestation ng Solicitor General na ipawalang-sala si Napoles sa kasong illegal detention.
LIKE US ON FACEBOOK FOR MORE NEWS UPDATE IN THE PHILIPPINES
Loading...
0 comments: