Note: Liberalism is a political philosophy or worldview founded on ideas of liberty and equality.
"Ang pinakamalaking problema ng mga kontra kay Pangulong Duterte ay ang kanilang pundamental na kawalan ng tiwala sa kabutihan ng tao. Ayaw nila pagkatiwalaan ang kahit na sinong tao in fairness, hindi lang naman si Digong na hindi ito mangaabuso; lahat ng tao, sa tingin nila ay mangaabuso din talaga sa bandang huli."
"Nakakatawa ito kasi selfproclaimed liberals ang mga ugok na ito, pero ayaw nila panindigan ang pundamental na paniniwala ng mga liberal tungkol sa essence ng tao: na ang tao ay likas na mabuti, napariwara nga la'ang. "
"O, di ba? Paano ka maniniwala sa mga ulol na liberal kuno, eh ayaw nga nila tindigan
ang liberalismo mismo?
" Ybiernas stated.
He also stated that if the current president acknowledges them and that the "liberals" are benefiting from the current leader, they'll persuade the people to trust him just like what they did to his predecessor whom he described as "boplaks" which translates to dumb or stupid.
"... actually, kung kilala sila ng nakaupo at pinakikinabangan nila ang nakaupong ito, kagaya nung nakaupo ang isang boplaks na itago na lang natin sa pangalang Noynoy Aquino, kukumbinsihin nila ang bayan na magtiwala sa nakaupo, bagaman talagang wala silang tiwala dito," he said.
Ybiernas also emphasized that contrary to what liberal fundamentals, the so-called liberals are not even following due process. They choose not to use the mechanism which the Constitution created to check and balance if the president is an abuser.
They do not like constitutional process but choose political processes. They made used of domestice campaign through their allied media that is obviously siding on them.
"Pero magtataka ka nga e. Kasi, ayaw naman nila sumunod sa tinatawag na due process: gamitin ang mga mekanismo na ginawa ng konstitusyon upang macheck at balance ang pangulo kung sakali nga na magabuso ito," he added.
"Ayaw nila sa constitutional processes. Ang gusto nila ay political processes. Kaya't hayun inumpisahan sa domestic na kampanya, gamit ang mga kapanalig nilang media na nagpapanggap ding fourth estate diumano pero kitangkita din ang pagkiling sa isang banda. Nasanay kasi ang media na kaya nila ipressure ang mga pulitiko para makuha nila ang impluwensiya sa lipunan na akala nila ay karapatdapat silang mahawakan," he said.
But from all the absurd efforts of the liberals, even their media campaign against the president is not working. His trust survey is still a topnotch which made the oppositions to resolve their problem and take it to the international community in hopes to achieve Duterte's fall.
Still nothing good is happening for the liberals.
Read his full post below:
"Ang pinakamalaking problema ng mga kontra kay Pangulong Duterte ay ang kanilang pundamental na kawalan ng tiwala sa kabutihan ng tao. Ayaw nila pagkatiwalaan ang kahit na sinong tao ---in fairness, hindi lang naman si Digong--- na hindi ito mang-aabuso; lahat ng tao, sa tingin nila ay mang-aabuso din talaga sa bandang huli.
Nakakatawa ito kasi self-proclaimed liberals ang mga ugok na ito, pero ayaw nila panindigan ang pundamental na paniniwala ng mga liberal tungkol sa essence ng tao: na ang tao ay likas na mabuti, napariwara nga la'ang.
O, di ba? Paano ka maniniwala sa mga ulol na liberal kuno, eh ayaw nga nila tindigan ang liberalismo mismo?
Pero, huwag ka, kung kilala nila ang nakaupo ---actually, kung kilala sila ng nakaupo--- at pinakikinabangan nila ang nakaupong ito, kagaya nung nakaupo ang isang boplaks na itago na lang natin sa pangalang Noynoy Aquino, kukumbinsihin nila ang bayan na magtiwala sa nakaupo, bagaman talagang wala silang tiwala dito.
So, ayun, hindi nila bibigyan ng benefit of the doubt si Duterte kasi nga labag ito sa kanilang prinsipyo ---at, ito ang pinakamahalaga, hindi nila pinakikinabangan ang pangulo. Wala! Kada kilos kontra. At ang pagkontra ay ayon diumano sa prinsipyo ng liberalismo.
Pero magtataka ka nga e. Kasi, ayaw naman nila sumunod sa tinatawag na due process: gamitin ang mga mekanismo na ginawa ng konstitusyon upang ma-check at balance ang pangulo kung sakali nga na mag-abuso ito.
Ayaw nila sa constitutional processes. Ang gusto nila ay political processes. Kaya't hayun inumpisahan sa domestic na kampanya, gamit ang mga kapanalig nilang media na nagpapanggap ding fourth estate diumano pero kitang-kita din ang pagkiling sa isang banda. Nasanay kasi ang media na kaya nila i-pressure ang mga pulitiko para makuha nila ang impluwensiya sa lipunan na akala nila ay karapat-dapat silang mahawakan. Eh ang problema, matigas itong probinsyanong nakaupo ngayon. Ayaw magpa-blackmail ng ulol. Kaya't ayun, pinapaulanan ng negative press ng media. Swerte lang si Digong at mas demokratiko na ang access sa impormasyon kundi kakatayin talaga siya ng media sa pagmamatigas niya.
Sablay ang domestic campaign kasi ang mga panatiko at hindi nag-iisip na mga Pilipino ay suportado pa rin si Duterte. Ambobobo kasi ng mga supporters ni Digong na karamihan pala, ayon sa survey, ay nasa ABC classes. Napakabobobo nitong mga pinaka-edukado at mayamang mga mamamayan ng bansa. Antaas pa rin ng ulol sa survey! Di kaya minamasahe ng SWS at Pulse Asia ang survey kasi nagpapapogi ang mga ito kay Digong?
Anyway, mag-iiba naman ng strategy. Akyat naman sa "international community" nina Sandra Aguinaldo at Pia Hontiveros ---minsan nagsasawa na rin ako ipakitang walang basehan ang "international community" na ito; na Da West lang talaga ito. Kainis! Hahahahaha. Ayun, nahanap ---at malamang binigyan nila ng donasyon (parang mga historical sites lang sa field trip: walang bayad pero may donation, bwahahahahaha)--- itong si Agnes Callamard para batikusin si Duterte. Malay mo? Baka sakali magresulta sa pagbagsak ng suporta ni Digong ang kapapahiya sa kanya ng international community (naks!), hindi natin masabi.
Pero mukhang walang nangyayari e. Nagti-tyaga na lang nga si Robredo sa pang-e-epal at pagsawsaw sa mga isyung kagaya ng pang-aano ni Tito Sotto kay Judy Taguiwalo. Oooops, sorry! Di naman niya inano si Taguiwalo, sinabihan lang na naano. Pasensya po! Pero, ayun, singit si madam Robredo. Gusto rin ipangalandakang naano rin siya. Este, na galit siya na sinasabihang naano lang ang mga taong kagaya nya at ni Taguiwalo. Tama na ba yun? Parang mali pa rin!
Balik sa problema. Hindi kasi natuto ang mga ugok sa kasaysayan e. Ang suporta ng bayan ay hindi nabibili. Mahal bilhin e. Kusang binibigay ng tao yan e. Kusa ngang ibinigay kay Cory Aquino noong 1986 e. Kasi nga, naniniwala ang mga tao na hindi lahat ng pinuno ay abusado, na merong pwedeng pagkatiwalaan.
At siyempre pa, kapag pumalpak ka ---kagaya ni Cory Aquino na rin--- babawiin ng taumbayan ang suportang iyan sa bandang huli. Ganun kasimple yan. Ang taumbayan ang totoong liberal e!
Yun nga lang, wala na ring tiwala ang bayan sa liberalismo bilang pilosopiya ng pulitika. Parati lang napagsasamantalahan ng elite ang kahinaan ng pamahalaan sa ilalim ng liberalismo. Kaya nagkaka-abuso e.
Ang totoo nyan, wala namang pilosopiyang sinusunod ang bayan. Nagmamatyag lang ng mabuti ang bayan para sa mga pinunong tunay na maglilingkod sa bayan, at ang mga iyan ang bibigyan nila ng kanilang suporta, Walang pilitan, bok! Kusang loob talaga.
At siyempre, dahil mga ulol ang liberal, di nila kailanman mauunawaan iyon.
Tanginang iyan! Itutulog ko na lang ito!"
Source:Facebook
0 comments: