Photo credit to owner |
Ipatutupad na sa Sabado, Hulyo 15, ang kautusang nagbabawal sa pagsisigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.
Nauna nang sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na hindi na kailangan ng implementing rules and regulations (IRR) para maipatupad ang Executive Order No. 26.
Payo ng Department of Health sa mga establisyimento, magsimula nang maglagay ng mga karatula ng "no smoking" para hindi na magbayad ng multa.
Matatandaan na nilagdaan ni President Duterte last May 15 and EO at ang effectivity noon ay 60 days. Sa ilalim ng kautusan, kailangang magkaroon ng mga nakatalagang lugar para sa paninigarilyo sa loob ng mga gusali. Nakahiwalay din dapat ang labasan nito ng hangin, at may mga nakapaskil na babala ng masasamang epekto ng paninigarilyo.
Ang babayarang multa kapag lumabag ay depende naman sa ordinansa na ipinatutupad sa isang siyudad o bayan.
Kapag naman wala pang ordinansa tungkol dito, ipapataw ang multa base sa nakaasaad sa Republic Act 9211 o Tobacco Regulation Act.
Saan bawal manigarilyo?
Binanggit noon na ibinase ang E.O. sa umiiral na polisiya sa Davao City, kung saan bawal ang paninigarilyo sa mga liwasan, bus station, mga sasakyan at iba pang itinuturing na pampublikong lugar.
"Smoking is a habit that drains your money and kills you slowly, one puff after another.. Quit smoking, start living"
Source: News/ ABSCBN
http://ift.tt/2ti5l8m
0 comments: