Photo credit to owner |
Humingi ng tawad sa netizens sa mga nag-bash sa kanya sa Twitter ang estudyanteng nakunan sa viral photo na nagpabuhat sa isang security guard para makatawid sa baha sa bahagi ng Taft Avenue sa Maynila.
Paliwanag ni Mark (hindi niya tunay na pangalan), estudyanteng nasa retrato, patawid siya noon ng kalsada papunta sa isang condominium nang mapahinto dahil sa taas ng baha.
Doon na raw siya napansin ng condo security guard na si Edler Tugo. Pinuntahan siya ni Tugo at inalok na buhatin para di na siya mabasa sa pagtawid sa baha.
Noong una’y tumanggi ang estudyante, pero muli siyang inalok ng tulong ni Tugo, kaya pumayag na rin si Mark.
Nagtatawanan pa nga raw sila ni Tugo habang tinatawid ang baha. Kaya rin daw kinunan iyon ng retrato ng kaibigan ni Mark dahil naaliw din siya sa pangyayari.
Di nila inasahang tutuligsain ng netizens ang retrato nang i-tweet ito na may ‘#grabkuya’.
See photos of Netizens bash to Mark:
Giit ni Mark, di niya minamaliit ang sekyu. Todo pasasalamat din siya kay Tugo matapos siyang buhatin patawid sa baha.
Kuwento naman ni Tugo, na siyang officer in charge ng security guards sa condominium, hindi iyon ang unang beses na tumulong siya sa mga tumatawid sa baha. Tumutulong din siya sa mga residente ng condo sa pagbuhat ng kanilang gamit o kaya’y pagpara ng masasakyan.
Iniisip kasi ni Tugo na sa tuwing tutulong siya sa iba, parang tinutulungan niya rin lang ang sariling anak.
“Palagi naman akong nagbubuhat, gano’n kasi ako… iniisip ko, iyong makatulong parati,” ani Tugo.
Dinepensahan niya rin si Bulan mula sa pamba-bash online. Aniya, walang kasalanan ang estudyante at di rin pinilit si Tugo sa ginawang pambubuhat.
Nagpasalamat din si Tugo sa lahat ng netizens na humanga sa kaniyang ginawa. Ayon din sa mga katrabaho ni Tugo, likas na matulungin ang sekyu.
Samantala, binura na ng kaibigan ni Bulan ang kaniyang ‘#grabkuya’ tweet, pero nagbigay siya ng pahintulot na magamit sa artikulong ito ang dating nai-post na tweet.
Hindi masamang mag-post ng photo sa social media, pero kung alam natin na may hindi magandang epekto heto sa mga Netizen mas maganda na e-private natin ang ating mga social accounts.
Ang pang babash ng mga tao sa Social Media ay normal. May kanya-kanya tayong opinion. Sana maging leksyon heto sa wastong paggamit ng Social Media.
Credits: Findingtrendingportal
http://ift.tt/2uFZX0X
0 comments: