Tuesday, July 18, 2017

Grade 5 student Bida sa Facebook after mag Viral ang pag-aapply niya ng trabaho



Nakakatuwa ang isang Grade 5 student from General Santos City na nagviral ang photo at video na ipinost ni Chriszel Singco Vicente sa kanyang Facebook account. 

Ang sabi sa  Facebook post ni Chriszel:

Siya po ay si Kervy James Villarejo, Mag-aaral ng Jose Catolico Sr. Elementary School. Grade 5 student.

Siya po ay kumatok sa pinto ng opisina namin nagtatanong kung may ippagawa daw kami. (Mop sa sahig, Walis, or may ipapalinis) yung perang malilikom niya ipambibili ng project sa school.
Tinanong ko siya ano ang pangarap niya paglaki.

Sagot niya: "PILOT PO"

God Bless your Future Pilot Kervy!! Maka amaze bataa. 💪🏻 Keep it up Kervy!

Thank you Sir kim, Kath, Ray, Van, Sherry, BM Ma'am Jean Loquinte.

Hindi na po namin siya pinalinis. Hehe! Kinausap nalang namin. Babalik daw siya para ipakita yung project na nabili. ☺️

(Ako po ay isa ding single mom ginagawa lahat para maprovide ang pangangailangan ng anak ko, masakit para sa amin na ganito kalagayan ng batang si kervy pero Nakaka proud talaga siya!

Photo credit to owner
Matapos niyang epost ito sa kanyang Facebook account, dumagsa ang tumulong kay Kervy at kahit sa Chriszel na nagdiwang ng kaarawan noong July 17, mas pinili niya pa na ibigay na lamang ang matatanggap niya na regalo kay Kervy imbes na sa kanya.

Bihira nalang talaga ang matatawag na 'Good Samaritan" sa panahon ngayon. Na mas iisipin pa ang kapakanan ng iba kesa sa  sarili niyang kaligayan. Saludo po kami kay Ms. Chriszel at sa mga kasamahan niya sa trabaho sa pagtulong niya kay Kervy, at kung hindi niya pinost ang video at pangyayari sa social media tiyak mapipilitan si Kervy na gumawa ng ibang paraan para kumita ng pera.




Credits: Chriszel Singco Vincente Facebook

http://ift.tt/2uAN9eC

0 comments: