Saturday, July 8, 2017

Luxury car Vs. PUJ 'Sino ang mali?'

Photo credit to owner
MANILA — Nayupi ang nguso ng isang Mustang nang bumangga ito head-on sa isang pampasaherong jeep matapos mag-counterflow ang driver ng nasabing muscle car sa Quezon City Sabado ng umaga.

Wasak ang bumper ng dalawang sasakyan dahil sa banggaan sa kanto ng 11th Jamboree Street at Timog Avenue.

Photo credit to Adrian Vergara Facebook
Aminado ang driver ng kotse na si Robert Vedua na nakainom siya bago mangyari ang insidente. Handa raw siyang panagutan ang nasirang bumper ng jeepney.

Naperwisyo naman umano ang driver ng jeep na si Ruel Sedigo, dahil papunta pa lang siya sa transportation terminal sa Cubao upang pumasada nang maganap ang insidente.

Kwento ni Sedigo, nang maging berde ang signal ng stoplight, napansin niyang nag-counterflow si Vedua at sinalubong ang kanyang jeep. 

Nagtamo ng maliliit na galos sa kaliwang braso si Vedua.

Inalis ng mga awtoridad ang mga sasakyan para hindi magdulot ng trapiko. 

Matagal ng pinapaalalahan ang mga motorista na "Don't Drink and Drive", pero may may driver pa din na matitigas ang ulo at gumagawa neto. 

Sabi nga nila, KAHIT ANONG INGAT NG PAGMAMANEHO MO, KUNG MAY MGA G*** SA KALSADA, MAAKSIDENTE AT MAAKSIDENTE KA PA DIN. 

Nagpaalala naman ang mga traffic enforcer na kung nakainom ay huwag nang bumiyahe para maiwasan ang aksidente.







Credit: News/ ABSCBN

http://ift.tt/2tYosZs

Related Posts:

0 comments: