Wednesday, July 12, 2017

Must Read: A Family's worst Nightmare at San Juan De Dios Hospital

Photo credit to owner
Healthcare is the maintenance or improvement of health via the diagnosis, treatment, and prevention of disease, illness, injury, and other physical and mental impairments in human beings. But what happened to a family, where they brought their child in a hospital but nevertheless, hindi sila natulungan.

Last June 30, the most precious gift of God to them was struck by fever due to viral infection.

(S’yempre hindi nila alam agad na viral infection iyon or the baby was contaminated by that kind of virus in the first hospital — San Juan De Dios).

Ang alam nila, nilalagnat siya at nagkombulsiyon kaya kailangan dalhin sa pinakamalapit na ospital.

Since the nearest hospital is San Juan De Dios, they were obliged to bring the baby there.

Sa kaiisip na baka ma-traffic papunta sa St. Luke’s Global kaya roon muna nila dinala sa San Juan De Dios Hospital sa Pasay City.

Pero iyon pala ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa nila at pagsisisihan habang buhay.

Ang daming ospital sa paligid na highly equipped like St. Luke’s Global or Manila Doctors’ Hospital or Manila Medical Center na puwedeng pagdalhan pero inisip nila ‘yung pinakamalapit dahil nga sa kombulsiyon.

Sa buong araw ng Biyernes (June 30), walang ginawa ang staff at nurses sa San Juan De Dios kundi ang bigyan lang ng Tempra ang bata.

Hindi man lang masabi sa kanila kung bakit nilalagnat ang bata. Wala silang makausap na matinong doktor. Noong may nakausap naman sila, ni walang masabi sa kanila kung ano ang dapat gawin o kung anong procedure ang gagawin sa bata.

Dahil hindi na kontento sa serbisyo, at bluish na ang braso ng baby, napagdesisyonan nila na ilipat na agad sa ibang hospital pero parang ayaw pang i-release dahil wala pa raw order ang doktor.

Kung hindi pa nila binalik-balikan at sinigawan hindi pa tatawagan ang doktor para mai-release na agad ang pasyente at mailipat na sa ibang hospital.

Nang mailipat sa St. Luke’s ang baby, agad ipinadala sa (N)ICU, ibig sabihin matindi na ang impeksiyon na kumalat na sa buong katawan.

‘Yung hindi masagot-sagot na tanong nila sa San Juan De Dios, sa St. Luke’s 24 hours lang nakita na ng doktor kung ano ang virus na tumama sa baby.

Pero tinapat sila ng doktor na malawak na talaga ang impeksiyon.

Apat na araw lumaban ang baby sa (N)ICU pero kumalat na ang impeksiyon sa brain at hindi na nakayanan ng mga gamot.

Isang masayahin, malusog, matalinong baby ang nawala at tahasan nilang sinasabi na ‘yan ay dahil sa kapabayaan ng San Juan De Dios Hospital!

Kung tawagin ng San Juan De Dios Hospital ang kanilang ospital ay Multi Speciality hospital in Pasay City. Multi Specialty hospital pero walang pangalawa ang kakuparan at pagiging atrasado ng ospital na ito!

Mantakin ninyo viral infection pero walang ginawa kundi painumin ng Tempra ang pasyente!?

Nang bisitahin natin sa internet ang pahina ng ospital na ito, aba, ni hindi maipagmalaki ang sariling pangalan nila kundi nanghihiram lang pala ng pangalan sa mga doktor nila. Heto ang nakalagay sa website nila… “The hospital is visited by multi speciality like Dr. L…C….., Dr. C….. E……. and Dr. M……. B……. The timings of San Juan De Dios Hospital are: Mon to Sat: 6:00 AM-10:00 PM. Some of the services provided by the hospital are: Cortisone Shots, Acute Illnesses, Pacemaker, Consultant Physician and In Vitro Fertilization (Test Tube Baby). Click on map to find directions to reach San Juan De Dios Hospital.”

E mga punyeta kayo, wala pala kayong infectious diseases doctors bakit hindi ninyo agad ini-release ang baby!?

Ginamit pa ninyo ang pangalan ng Santo at Dios sa ospital ninyo pero hindi kayo maayos, makatao at maka-Diyos magserbisyo!

Tinatanggap ng pamilya na maraming dahilan ang Diyos kung bakit nangyari ito.

Nalulungkot at nasasaktan sila dahil isang walang malay na sanggol ang naging biktima ng kapabayaan ng ospital ninyo!

Kaya babala lang, mga suki, huwag na huwag ninyong isusugal ang buhay ng inyong mga mahal sa buhay sa ospital na ito…

Huwag ninyong hayaan na maging ‘HELPLESS’ kayo dahil sa kakuparan at kapabayaan ng San Juan De Dios Hospital!

Isang masakit na leksiyon ang natutuhan ng mag-anak rito.

Again, I will end up this post about, healthcare is delivered by health professionals (providers or practitioners) in allied health professions, chiropractic, physicians, physician associates, dentistry, midwifery, nursing, medicine, optometry, pharmacy, psychology, and other health professions. It includes the work done in providing primary care, secondary care, and tertiary care, as well as in public health.

May this be a lesson to each and everyone. 



Source: Hatawtabloid

http://ift.tt/2udTAnQ




0 comments: