Monday, July 10, 2017

Pasahero sa NAIA 3 na may apelyido na Maute hinarang ng Bureau of Immigration

Photo credits to owner
Manila, Philippines – Pitong mga pasahero na hinihinalang miyembro ng Maute group ang pinigil sa NAIA 3 ng Bureau of Immigration.
Patungo sana sila ng Malaysia kaninang pasado ala-una ng hapon sakay ng Cebu pacific ang naturang mga pasahero subalit sila ay pinigil ng Immigration officers.
Matapos ang pagtatanong sa kanila ay pinayagan nang makalabas ng bansa ang tatlong (3) hindi nagtataglay ng apelyidong Maute habang dinala naman sa Camp Aguinaldo ang apat (4) para sa tactical interrogation.
Nilinaw naman ng Bureau of Immigration na hindi pa tiyak kung miyembro ng Maute group na lumusob sa Marawi City ang naturang mga pasahero na may apelyidong Maute dahil sila ay patuloy pang isinasailalim sa imbestigasyon.
Kaninang umaga, isa ring pasahero na may apelyidong Maute ang pinigil ng immigration officers sa NAIA 1.
Ang naturang pasahero ay patungo sana ng Riyadh, Saudi Arabia kaninang umaga.
Gayunman, base sa imbestigasyon napatunayan na hindi miyembro ng Maute group ang pasahero subalit hindi na ito nakasakay ng eroplano.
Ano pong masasabi ninyo sa pagbabantay ng ating immigration sa mga lumalabas pumasok sa ating bansa?





Credits to: RMN.ph,dwiz882am
http://ift.tt/2t54pEq

Related Posts:

0 comments: