“Hindi natin ia-abolish kasi constitutional budget e ‘di wag mong bigyan ng budget yan. Dahil nga hindi naman fair eh. Hindi nila ginagampanan yung trabaho nila para protektahan yung karapatang pantao-para sa lahat ng tao, sa lahat ng Pilipino dito sa ating bansa,” sabi ni Alvarez.
Panoorin ang Video:
Para kay Alvarez, ang CHR ay “ang pino-focus lang ay yung mga karapatan ng criminal at tipong wala silang pakialam dun sa karapatan nung mga biktima nitong mga criminal na ito.”
Madalas daw naoobserbahan ng kongresista na tuwing may masaker na ginagawa ang mga criminal o mga drug addict ay tahimik lang sila. Kapag namang mayroong mga insidente ng mga namatay at mayroon silang pagdududa na ito ay extra-judicial killing ay doon sila nag-iingay. “Akala ko ba ‘yung human rights ay para sa lahat. Ay bakit namimili sila ng pinoprotektahan at inaalagaan na karapatan,” pagatataka ni Alvarez.
0 comments: