Monday, August 7, 2017

Extortion ang tawag ni Chairman Bautista sa bintang ng misis

Photo credits to owner

Nanindigan si Comelec Chairman Andres Bautista na pera lang ang nagtulak umano sa kanyang misis na dalhin sa National Bureau of Investigation (NBI) ang iba't ibang dokumentong may kinalaman sa kaniyang mga ari-arian, kabilang na ang passbook sa bangko at titulo sa mga pag-aari.

Sa isang interview, ikinuwento ni Bautista na habang nasa Amerika siya noong Nobyembre 2016 para obserbahan ang U.S. Elections, tinawagan siya ng branch manager ng isang bangko sa Pilipinas para ipaalam na nagwi-withdraw ang kaniyang misis na si Patricia Paz Bautista mula sa kanilang joint account.

Nag-withdraw ng $117,000 at P250,000 ang na-withdraw umano ng misis sa kanilang account.
Katumbas ang mga ito ng kabuuang higit P6 milyon.

Panoorin ang buong kwento:


Batid naman ni Bautista na hindi na lang ngayon simpleng away mag-asawa ang isyung kinasasangkutan niya ngayon.

Aniya, handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon para malinis ang kaniyang pangalan sa alegasyon ng iregularidad.




Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!



Credits to: ABS-CBN



0 comments: