Photo shown not the real rider and ambulance, credits to the owner |
Sa tuwing makakarinig kayo ng wang-wang ano ang unang salita ang naiisip niyo?
At para naman sa mga motorista, ano ang dapat niyong gawin kapag may nakita o naaaninag kayo na ambulansiya o bumbero sa gitna ng traffic?
Hindi na lingid sa ating kaalaman na talagang kahit saan tayo magpunta eh napaka traffic naman talaga, na kung minsan nga unti mo pati mga MMDA eh wala nading magawa sa sobrang traffic.
Kaya naman nakakamangha ang ginawa ng isang motorcycle rider na ito na gumawa ng paraan para matulungan na makausad ang isang ambulansiya sa gitna ng traffic sa Quezon City.
Ayon sa report isang netizen ang nakakuha ng kagandaang loob na ginawa ng rider na si Brando Obedencio, sa video na kumakalat ngayon.
Tinulungan ni Obedencio ang ambulansiya na makadaan sa gitna ng traffic, unti-unti niya pinapatabi yung mga sasakyan upang makaraan ito.
At hindi lang dun nagtapos ang kanyang tulong dahil nagpatuloy ito sa kanyang ginagawa hanggang sa makarating sa ospital ang ambulansiya.
Panoorin:
Sa panahon kasi ngayon maraming buwakaw na motorista na sa sobrang trapik wala na silang pakialam na ang importante sa kanila makarating sila sa pupuntahan nila. At kung minsan pa nga kapag nakakakita sila ng ambulansiya imbes na tumabi sumusunod pa sila o haharangan nila na tila ba naka convoy sila dito.
Kaya sana magsilbi itong inspirasyon. Kudos sayo Mr. Brando Obedencio.
Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you!
http://ift.tt/2yzmEpz would like to take note that this website is not manned by journalists, but they aspire to be one. Most of our writers don't have a degree in journalism or any English major. You may encounter some mistakes in grammar but rest assured that we will do everything we can to the best of our knowledge and abilities to minimize those errors.
Source: GMA
Source: GMA
0 comments: