Sunday, April 5, 2020

Pagod na po rin mga kapulisan. Pagod na mga tanod. Gabi-gabi puyat. Tinatawanan. Minumura. Tinatakbuhan. – Policeman makes emotional appeal to residents to follow “stay-at-home” policy

A video of a police officer who made an emotional appeal to residents of Pulang Lupa Las Pinas City to follow the government’s “stay at home” policy in an attempt to stop the spread of covid virus made the rounds online.

The 161-second video touched the hearts of thousands of netizens who’ve watched it, eliciting a flood of sympathy for the police officer and the PNP in general. The police officer has been identified as Patrolman James Raymond Pasco of Sub station 2 Brgy Pulang Lupa Uno.

The video was uploaded by a certain Boyong Manialac to bring awareness to the public of the sacrifices of our policemen who tirelessly do their jobs patrolling our streets, to keep the citizens safe and to make sure that everyone is following the stay at home policy implemented by the government.

You may start reading the transcript of the stirring speech of PCPL Pasco below.

Wala hong pwede lumabas sa inyo kahit isa. Malalockdown po ito buong Pulang Lupa. Malalockdown yan. Lalo pong magtatagal, lalong tayong mahihirapan, lalo latyong magugutom.

Swerte nga po kayo nasa bahay kayo. Kami hindi nakakauwi. Gustong gusto naming makita mga anak namin, asawa namin, mga pamilya namin. Pero di naming magawa dahil sa aming ginagawa para bantayan kayo.

Pagod na po rin kaming makipaghabulan. Siguro napapansin nyo pagpasok di na ako nakipaghabulan. Hinayaan ko na tumakbo. Bakit? Wala rin, nonsense lang.

Mapapagod lang kami. Sasakit pa yung dibdib naming kakahabol. Wala rin.

Pagod na po rin mga kapulisan. Pagod na ang mga tanod. Gabi gabi puyat. Tinatawanan. Minumura. Tinatakbuhan.

Sana naman ho mga magulang, Tatay, mga Kuya, Ate, alam nyo naman ho ang sitwasyon. Mahirap na ho, pinapahirap pa natin.

Pag ho ito tumagal pa, maniwala kayo sa hindi, ARMY ang hahawak sa atin. ARMY ang hahawak sa inyo, para tayong MARTIAL LAW.

Hindi po guarantee ang quarantine pass para maggala gala kayo jan sa labas.

Ang quarantine pass ginagamit lang po pag importante lang ang bibilhin. Hindi yung kung gusto kung lumabas, lalabas ako dahil may quarantine pass ako. Di ho po yun ang gamit ng quarantine pass.

Sana po maliwanag po ang sinasabi ko sa inyo.Hindi po kami nandito para takutin o manggulo. Ayaw naming kayo bigyan ng problema, ayaw din naming magka-problema.

Sa amin lang nakikiusap kami, dahil ito na lang ang paraan yung makausap ko kayo. Pagod na po ang katawan lupa naming.

Pasenysa na po kayo kung kayo ay naabala. Ang gusto lang po namin magmahalan tayong lahat.

Sa totoo lang hindi namin alam kung kalian na lang buhay naming eh. Bakit? Di naming alam kung infected na kami.

You may watch the video below now.

Your comment?

Source: Boyong Manialac

The post Pagod na po rin mga kapulisan. Pagod na mga tanod. Gabi-gabi puyat. Tinatawanan. Minumura. Tinatakbuhan. – Policeman makes emotional appeal to residents to follow “stay-at-home” policy appeared first on Pinoy Trending News.

Related Posts:

0 comments: