Sunday, April 5, 2020

PGH nurse recounts worst shift in 18-year-career, thought of quitting job, but in the end, passion to help & serve prevailed

As they say, adversity brings the best and worst in us.

In the case of PGH nurse named Glenn Cortes Caringal, the covid-19 crisis the Philippines and the rest of the world is facing today has brought the best in her.

On the night of April 3, Caringal experienced what she called worst shift of her 18-year nurse career.

So bad that at one point, she questioned herself why she has put herself at risk and her family when she can walk away from her job and wait out until the pandemic is over.

However, she quickly realized that she has to do her job because if all the nurses quit their jobs and they get sick of covid, who will take care of them when most of the nurses and the doctors have quit their jobs? Caringal asked.

You may read nurse Glenn Cortes Caringal’s original FB post below now.

Share ko lang..

Last night instead of pedia covid ako magduty napull out ako sa Adult covid. Shortage of nurses ang problema ngayon ng bawat area sa Ospital na pinaglilingkuran ko.Kaya kumukuha sila from other areas despite of your area of assignment.

Eto na ang kwento for more than eight hours nakasuot ako ng PPE na iyan na makikita niyo na ang mark ng goggles ko sa mukha particularly sa ilong sa may malapit sa kilay masakit at mahapdi sya sabi ko nga siguro kung ako pa ang nakaduty talaga sa area na yan malamang baka magsugat na ang mga marks na yan. Di ko naman pede alisin kasi protection ko yun.

Kagabi ang pinakaworst na duty ko on my entire 18 years of nursing career. I handle 3 COVID + at may kasama pang covid din na bantay. Yes 3 COVID Di pala parang 4 na covid na nga sila nakasalamuha ko yung takot at fear mo andon. May naging patient ako Pregnant. Yung asawa niya covid + din at bantay niya pero asymptomatic. Napaka restless niya hirap huminga nagtatae linalagnat nag uubo (dry cough) mahinang mahina ang katawan. Naka oxygen support siya at di maganda ang kondisyon.

Tapos habang andon ako sa loob nagbibigay ng antibiotic kinatok ako ng kasama kong nurse malakas. Pagbukas ko ng pinto halos hatakin ako palabas para sabihin bilisan ko kasi positive na sya sa covid. At napawow na lang ako na 3 na ang patient ko handle na covid.

Since tapos na rin ako sa mga ginagawa ko sa kanya. Lumabas ako. Paglabas ko nagulat ako ng may nagsspray sa akin ng disinfectant. Bigla akong naiyak kasi yung feeling na ang dumi dumi mo at lalo kang natakot because nagtagal ka sa loob ng room ng patient kasi kailangan mo gawin lahat para sa pasyente sabi nila don’t be a hero pero di kaya ng konsensiya ko na basta lang magpasyente at magbedside ng ganon ganon lang lalo at alam mo na di maayos ang kondisyon niya.

Tapos may sumisigaw pakiprepare ng bagong ppe magpapalit si mam. Nagmamadali kami at nagpalit uli ako ng PPE. Di ko mapigilan umiyak during duty sobrang nadepress ako .Pero nakokonsensya din ako na di sya ayusin mabuti di siya lagyan ng linya kahit ang labo labo ng paningin ko because of goggles and face shield di siya lagyan ng swero at ibigay ang kanyang antibiotic o nasa sistema ko na talaga ang maging maayos sa bedside kasi ganon ang kultura namin sa pedia kaya ganon din ang ginawa ko kagabi sa adult area.

Sabi ko nga ano baga talaga ang ipinaglalaban ko at why am i so eager na inaasikaso ko mabuti ang pasyente ko. Bigla ako napaisip sabi ko sa kondisyon ng pasyente ko dapat siyang makasurvive at makarecover para sa pamilya niya para sa sarili niya higit sa lahat para sa ipinagbubuntis niya. Pero despite sa nararamdaman kong takot para sa sarili ko mas nanaig sa akin na kailangan kong gawin yun kasi kailangan nyang gumaling at makarecover kasi bukod sa pasyente kong yun may dalawang buhay pako dapat isipin na mailigtas yung bata na nasa sinapupunan nya.

Nakakalungkot isipin na nagsisimula pa lang sila mag asawa bumuo ng pamilya masisira lang dahil sa Covid😪 and besides sabi ko whatever happen to her nong mga time na ako ang nurse nya ginawa ko yung best ko for her na nagline ako para malagyan siya ng ivf para mastart ang antibiotic niya na di ko inisip ang sarili ko na baka mahawa ako sa kanya sa ilang minuto na pagtigil ko sa loob ng room niya despite na nakasuot ako ng PPE.

Nalulungkot ako sa pinagdaraanan niya im asking her kung komportable siya may masakit ba sa kanya may kailangan pa ba siya i know she is trying to be ok pero alam ko sa sarili ko na hindi.Habang nagkukwento ako sa mga kasama ko sa ward ng experience ko last night napaka emotional ko naiiyak ako. Yung feeling na after ng 7 nights ko na duty magquaquarantine ako i will isolate myself inisip ko due to my exposure dapat di ako ubuhin di ako sipunin ni di dapat ako lagnatin kasi after 14 days kailangan kong bumalik para sa panibagong 7 araw na duty uli. Na lalong nakakaiyak isipin na hanggat tumataas ang confirmed covid cases at fatalities ganito ang buhay namin sa ospital walang uwian.

At bigla akong napaisip kelan nga ba ako uli uuwi sa pamilya ko at sa sarili naming bahay.

Sabi nga ng mga kasama ko magresign na rin kami.Sabi ko kung magreresign tayo lahat wala ng mag aasikaso sa kanila.What if tayo ang magkasakit ng kagaya nila tapos kaya di tayo maasikaso ng isang ospital kasi kulang na sa mga staff nagreresign ang mga nurses at nagququit ang mga Doctors paano tayo maacommodate ng ospital paano tayo makakasurvive at makakarecover.

Siguro di pagiging martir ang ginagawa ng marami sa amin nurses at doctors mas pinipili lang namin magstay gawin yung dapat para makatulong at maglingkod kahit alam mo nasa peligro ang mismong health at buhay mo na sa kabila ng mga ginagawa mo ang hinihiling mo na lang na sana ni isa sa pamilya mo walang magkakasakit at maging matatag at malusog kami ng mga kasama ko hanggang matapos at mapagtagumpayan namin lahat ang laban na ito against covid 19.Para makabalik na kami sa mga normal na buhay namin.

The struggle and fear is real.
Sa lahat ng nangyari last night marami realization pero gusto ko palakpakan ang sarili ko tapikin ang balikat ko sabihin ko well done glenda nakakaproud ka👍💪❤

At ng umuwi ako sa dorm dumaan ako sa chapel at don tahimik ako nagdadasal na umiiyak ang sabi ko TINATAAS KO NA SAYO LORD ANG LAHAT IKAW NA PO BAHALA🙏.

Will stay and Fighting💪💪💪

#fightagainstcovid19
#frontliner

Your comment?

Source: Glenn Cortes Caringal

The post PGH nurse recounts worst shift in 18-year-career, thought of quitting job, but in the end, passion to help & serve prevailed appeared first on Pinoy Trending News.

Related Posts:

0 comments: