An open letter with the title “LIHAM NG ISANG SUNDALO SA LAHAT NG NAIS IBASURA ANG ANTI-TERROR BILL” has gone viral on Facebook.
The open letter written by someone who introduced himself as an ordinary soldier was posted in the FB page “Hugot Sundalo” 13 hours ago and has been shared 20,000+, reacted 20,000+ and commented 4,400+ and counting.
The author of the open letter calls himself just an ordinary soldier who likes to serve the country. Offering one’s life in exchange for peace that will remain elusive until we eliminate those who manipulate and exploit the young minds of our youths. Our country has many experienced from the hands of the terrorists but this is not felt in Luzon and Visayas, ostly in Mindanao. He reminded the public of the Zamboanga siege, Marawi siege and the bombings of churcges in Davao, the Mamasapano massacre wherein 44 SAF and 11 soldiers killed amid the covid pandemic.
Ako’y hamak na sundalo lamang na nais maglingkod sa bayan. Binubuwis ang buhay para makamit ang kapayapan na alam naming kailanman hindi natin makukuha hanggat may mga taong nagmamanipula at gumagamit sa murang kaisipan ng mga kabataan. Marami nang pinagdaanan ang Pilipinas sa kamay ng mga terorista ngunit hindi ito ramdam sa gawing Luzon kundi sa Visayas at Mindanao lamang. Baka nakalimutan na natin ang Zamboanga siege, Marawi siege, ang mga pambobomba sa simbahan at sa davao, ang Mamasapano Massacre kung saan namatay ang 44 na SAF at ang 11 sundalo na pinatay sa gitna ng paglilingkod sa kabila ng COVID.
The soldier lamented that many people from Luzon who are mostly spared from the exploitation and abuses of terrorist are the ones who are brave to oppose this bill. The writer laughed at critics of the anti-terror bill who shout they love this country but they did not think about the lives of our Mindanaoaon brothers and sisters who are primarily affected by terrorism. Anyway, the writer said these critics do not know poverty because they lived in beautiful houses, they cab sleep soundly at night and they lived with their families peacefully.
Nakakalungkot isipin na mga tiga-Luzon na hindi naman nakaranas ng pananamantala at pang-aabuso ng mga terorista ang lakas-loob na lumalaban sa batas na ito. Nakakatawa na lang isipin na sinisigaw ninyo na minamahal nyo ang bansang Pilipinas ngunit hindi ninyo sinasaalang-ala ang buhay ng mga kapatid ninyo sa Mindanao na pangunahing apektado sa kamay ng mga terorista. Sabagay, hindi nga naman ninyo alam yung hirap, dahil naninirahan kayo sa magagarang tahanan, nakakatulog kayo ng mahimbing at nakakasama ninyo ang inyong pamilya ng matiwasay.
Perhaps many of those said that soldiers entered the service so they have no reason to complain if they need to fight these terrorist but everybody knows that no money or profession can equal the life of man. The soldiers’ only consolation is that if they die, they die fighting for peace and order of their area of responsibility; they die with dignity, clean conscience and love the Philippines dearly.
Sinasabi siguro ng karamihan na sundalo ang pinasok namin kaya wag kami magreklamo kung nakikipaglaban ngunit alam naman nating lahat na walang pera o propesyon ang makakatumbas sa buhay ng isang tao. Ang aming pinanghahawakan na lamang ay kung mamatay man, mamamatay kaming nakikipaglaban para sa kapayapaan ng mga lugar na aming nasasakupan; mamamatay kami ng mayroong dignidad, malinis na konsensya at may totoong pagmamahal sa bayang Pilipinas.
The soldier said that many of you are not aware that almost every night soldiers barely catches a sleep while you snore in your sleep; you don’t know how painful it is not to go home and missed many important occasions while you (civilians) are enjoying family gatherings; you don’t know how it feels when one of your comrades die in battle while you are free to shout; you are oblivious of the sacrifices of thousands of soldiers who served before them to save fellow Filipinos against terrorism.
Walang may alam sa inyo ng mga gabing halos wala kaming tulog habang kayo ay naghihilik; hindi ninyo alam yung sakit na hindi kami makauwi sa mahahalagang okasyon habang kayo ay masayang nagtitipon-tipon; hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam na malagasan ng kasamahan habang kayo ay malayang nakakasigaw; wala kayong alam sa lahat ng sakripisyon ng libu-libong sundalo na nauna na sa amin para lamang mailigtas ang kapwa natin Pilipino laban sa terorismo.
At this juncture, the soldier put forward a proposition to the people who are calling for the junking of the anti-terror bill – exchange places with the soldiers.
Pauwiin ninyo na kami. AT KAYO NA LANG ANG PUMALIT SA AMIN. Minsan naiisip ko na sana kayo na lang, kayo na lang sana ang ilang araw na hindi natutulog para lang maprotektahan ang mga mamamayan; kayo na lang sana ang humihiga sa basa at malamig na damuhan habang umuulan; sana kayo na lang ang hindi nakakasaksi ng panganganak ng inyong kabiyak; sana kayo na lang yung hindi makauwi kahit na nasa bingit na ng kamatayan ang inyong kapamilya; sana kayo na lang ang walang awang pinapatay, niyuyurakan at binabalasubas ng mga terorista; kayo na lang sana ang namanatay kahit hindi nasisilayan ang mga anak; kayo na lang sana yung nilalamayan at iuuwi sa pamilya ng bangkay na. Kayo na lang sana.
The soldier reasoned that until the anti-terror bill critics experienced what it is like to be fighting terrorists, they have no right to speak like they know a lot about terrorism.
DAHIL HANGGA’T HINDI NINYO NARARANASAN ITO, HUWAG NINYONG SABIHING MAY ALAM KAYO SA TERORISMO.
The soldier ended the open letter urging the public to share the call to support the anti-terror bill.
#YesToAntiTerrorBill
Palawakin natin ang panawagan para suportahan ang Anti-Terror Bill!
*ctto
#HugotSundalo
Your comment?
Source: Hugot Sundalo
The post Read: LIHAM NG ISANG SUNDALO SA LAHAT NG NAIS IBASURA ANG ANTI-TERROR BILL appeared first on Pinoy Trending News.
0 comments: