Thursday, July 27, 2017

A Netizens open letter to Female Millennials

Photo credits to owner

Tama na muna ang political topics. 

Social media is being used in different ways at hindi ko na kailangan isa-isahin pa ito. At isa nanamang Netizen ang gumawa ng isang sulat para sa mga "KABABAIHAN".

Ito sana ay maging leksyon para sa lahat lalo na sa mga kabataan ngayon na iba na ang mga paguugali na maaaring dahil sa mga nakikita nila sa paligid o dahil sa mga nakakasama nila.  

Read full letter:

Dear Young Lady,

This is a very timely topic for the Millenials.


I wrote you this letter kasi may gusto akong linawin sa'yo. May mga bagay na dapat mo nang maintindihan. Kailangan mo nang maintindihan ang mg bagay na dati ko na ring naitanong sa sarili ko, pero walang sumagot sa akin, at ayokong maramdaman mo ang mga naramdaman ko nung mga panahong iyon.

"Self-worth"
O ang halaga mo bilang tao, most especially, ang topic na ito ay intended para sa mga kababaihan na tulad mo.

*Insert instrumental song of your choice*
Usapang halaga, kung i-coconvert ka sa pera, magkano ka!?
Minus: virginity, experience, moral, education, intelligence, beauty, faith, expensive clothes, body enhancements, treatments, tattoos, grades, piercings, hair length, your family status, lavish material things and what other people think of you, sa iyong palagay, magkano ka?
Kapag pinahi mo na ang make-up mo sa mukha, sa tuwing tinatanggal mo ang mga alahas mo, pag binitawan mo na lahat ng mga mamahaling gamit mo, sa tuwing wala nang ibang nakakakitang tao, magkano ka?

"YOU ARE PRICELESS!"
Subukan mong humarap sa salamin nang walang saplot, kausapin mo ang iyong sarili, itanong mo sa babaeng nasa kabilang dulo ng salamin kung ano ang halaga nya.

Sounds creepy pero ikaw lang ang pwedeng magpresyo sa sarili mo.

Kung ganoon ka kahalaga, paano mo tinatrato ang sarili mo?

Real talk na tayo.

Paano mo ginagasta ang sarili mo!?

Alam ko na iilan lamang sa mga Millenials ang makakabasa at makakaintindi ng Entry kong ito. But I want to take the risk. Sana makatulong ako.
Anong ginagawa mo pag walang nakatingin sa'yo?

Nagyoyosi o Nag-iinom? Anong dahilan mo?
Masaya di ba! Nakakawala ng problema!

Nakakalimutan mo na nag-away kayo ng mga magulang mo. Nakakalimutan mo panandalian na hindi perpekto ang buhay mo, na madami kayong problema sa bahay. Syet! Oo nga, malilimutan mo din na nag-break kayo ng hudas mong ex-boyfriend. Sige, walwalan na!!! Senglotan na!!! Nasaktan tayo eh! Wala tayong pake kung ala-una na ng madaling-araw, text ka nalang sa parents mo na may group project kayo! Better yet, off mo na lang ang phone mo, tutal, di k rin naman nila mahahanap. Masaya kasi kasama ang tropa, palagi ka nilang gets! Alam nila mga problema mo... Ang totoo nga nyan parehas kayong bagsak sa subjects nyo di ba, eto pa, parehas din kayong umaabsent.


Sa bawat tagay sa baso, kasama ang tawanan, ang biruan, ang pamumulutan, at kasabay ng pag-ikot nang tagay ang pag-ikot nang paligid mo. Unti-unti nang namamanhid ang mukha mo, kasabay nang mga tawa at hampas sa katabi mo, at sa unti-unting pagkaubos ng yosi mo na binili mo gamit ang allowance na binigay ng parents mo... tila nawawala din lahat ng takot at pag-aalala mo na bukas papagalitan ka na naman ng mga magulang mo... O bukas, magpapapirma ka ng excuse letter sa mga teacher mo na ikaw din naman ang pumirma. You always took the risk of doing so, para lang maka-set o maka-nomu kasama ng tropa. May mga bihirang pagkakataon pa na sa inuman nyo, may magdadala ng tropa at iba pang friends na kalaunan ay magiging kaibigan mo na rin. Magsisimula sa ngitian, hanggang sa biruan, maya-maya magkatabi na kayo. At tapos ayun, ang ending its either boarding house, kotse, condo, motel, hotel, banyo, parking lot, playground, apartment, kwarto, kanto, bakanteng-lote, eskinita, o pag minamalas-malas, sementeryo... Habang magsasalo kayo sa hiningang tila sabay nyong nilalanghap. Sa halik na gumagapang hanggang sa kayong dalawa ay sumasayaw na lamang sa tugtuging kayo lamang dalawa ang nakakarinig. At ano? Kung suswertihin next month may regla ka pa. Haya-e na, buwanan ka lang namang mangangamba, pangangmbang bunga ng minsan nyong kalibugan. Nag-enjoy ka rin naman eh. Sabi nga nila...

"MANTIKA NALANG ANG VIRGIN SA PANAHON NGAYON!"
Wala tayong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang iwasan mo lang ay ang gumawa ka ng mga desisyon na maaari mong pagsisihan sa hinaharap yung bagay na maaaring makababa sa halaga mo bilang babae. Napakahalaga mo para sayangin lang ang sarili mo. Tungkol naman sa pagbo-boyfriend mo... Palagi mong tatandaan na hindi paligsahan ang pagjojowa, na dapat hindi ka mabakante o dapat jowa mo ang pinaka-epek na Bae sa campus. Tandaan mo:
"HABANG PARAMI SILA NANG PARAMI, PARUMI KA NANG PARUMI!"
Kaya piliin mo yung nararapat na lalaki na magiging dahilan nang paghuhubad mo nang panty.
Ang hanapin mo sana ay yung lalaking nakikita ang halaga mo. Piliin mo sana yung lalaking ini-imagine kang guma-graduate kasama nya at hindi yung lalaking ini-imagine ka sa banyo habang nakahubad ka. Piliin mo sana yung lalaking handang maghintay hanggang pwede na at hindi yung lalaking ipinipilit yung gusto nya mairaos lang ang maramot nyang pagnanasa. Piliin mo yung lalaking ihahatid ka sa inyo, magpapakilala sa magulang mo at aayain kang magsimba tuwing linggo at wag ang lalaking hihintayin ka lang hanggang dun sa kanto. Piliin mo yung lalaking kayang makita ang halaga mo kahit wala kang kolorete sa mukha o kahit hindi mo suot yung pang malakasan mong OOTD. Piliin mo yung lalaking lalambingin ka kapag may PMS ka at hindi yung lalaking sasabayan pa ang init ng ulo mo na kala mo nireregla din sya. Piliin mo yung lalaking kahit palagi kayong nag-aaway, palagi namang ipinapaalala sa'yo na hinding-hindi kayo maghihiwalay. Madaling isipin, pero sa totoo lang sana matuto ka ding maghintay at kung may nanliligaw man sa'yo ngayon, wag mo muna silang sagutin, hindi naman sa magpapa-bebe ka... I-enjoy mo muna ang pagkabata mo, ang pagiging malaya mo, mga bata pa kayo at marami pang pwedeng mangyari, subukin mo kung kaya ka nyang hintayin. Hanggang marating mo na yung lugar na pangarap mong puntahan, hihintayin ka nya, hanggang sa makuha mo na lahat nang pinapangarap mo. And when the right time comes, you would have to choose the man whom you could bear to grow old with. Darating ka dyan, wag kang magmadali...
"BECAUSE THE VALUE OF THE BEST WINE ARE MEASURED BY TIME."
Wag kang mag-alala kung umedad ka...

"AGE DOESN'T MATTER, UNLESS YOU'RE A CHEESE!"
Sana malaman mong mahalaga ka, bago mo hiwain yang pulsuhan mo. Sana malaman mong mahalaga ka bago mo isuot ang lubid sa leeg mo o inumiin lahat ng gamot sa medicine cabinet nyo. Bago ka sumuko, isipin mo rin ang ibang tao, yung mga taong nasa mas mahihirap na sitwasyon, mga taong nangangarap na maging kanila ang buhay na tinatamasa mo, kaya matutong kang magpahalaga sa buhay mo.
So kapag kaya mo nang kwentahin ang halaga mo bilang babae at bilang tao, hindi ka mahihirapan sa paggastos nito kasi alam mo na ang limits mo at hindi ka na mag-eexceed sa alotted budget mo. Hindi man ngayon, sana balang-araw ay maintindihan mo ang lahat nang ibig kong sabihin bago pa mahuli ang lahat.
Ayaw kong madapa ka sa lugar kung saan ako nadapa nung kapanahunan ko... Nung wala pang sulat na katulad nito. Ayako na pagsisihan mo yung mga bagay na pinagsisihan ko na. Ayokong ulitin mo lahat nang mga naging pagkakamali ko bilang babae. Ayokong matulad ka sa akin, na hanggang ngayon hindi pa rin naitatama lahat nang mga pagkakamali ko sa nakaraan. Ayokong makatulugan mo rin ang pag-iyak tuwing gabi nang dahil sa parehong dahilan. Ayoko. Ayokong gumawa nang isa pang ako. Kung kaya ko lang sana, ipadadala ko ang sulat na ito sa nakaraang ako, para iligtas ang hinaharap na ako. Pero ang tanging magagawa ko lang ay ipaliwanag sa'yo ang halaga mo. Ikaw na bumabasa nito ngayon.
Sana wag mo akong husgahan, kagalitan o layasan. Pinagsasabihan lang kita kasi para sa akin mahalaga ka. Dahil ikaw na lang ang natitirang tama sa buhay ko. Naiintindihan kong minsan ipinipilit ko na ang gusto ko, minsan pa parang dinidiktahan ko na ang buhay mo. Yun ay dahil iyon ang alam kong tama. At balang-araw, pasasalamatan mo rin ako. Balang-araw ikaw naman ang nasa katayuan ko. At balang-araw gagawin mo rin ang lahat nang alam mong ikabubuti nang magiging anak mo. Sana, intindihin mo, sana hindi pa huli para makita mo ang halaga ng pagkababae mo. At kahit ano mang pagkakamali ang magawa mo, palagi mong tatandaan na may tahanan kang mauuwian, tahanang kahit kailan ay hindi ka huhusgahan, tahanang palaging ikaw ang magiging kayamanan, tahanang palaging bukas para mapuntahan mo kapag tinalikuran kana nang mundong inaakala mong magpapasaya sa'yo. Tahanang muli kang ibabangon at ibabalik sa'yo ang halaga nang pagiging masaya mo. Dahil, ano't-ano man ang iyong kahinatnan, palaging handa ang aking mga bisig para muli kang mahagkan.
Palaging naghihintay sa'yo,
MAMA




Credits to: Girl Thing


http://ift.tt/2vL0bUR

0 comments: