Saturday, July 29, 2017

Must Watch: Panibagong video ng pulis na nakipagtalo 'Beast Mode'

Photo credits to owner

Panibagong video nanaman ni PO2 Manuel Taytayon ang kumakalat sa social media na pambabastos at nagmumura.

Sa kumakalat na video makikitang nagagalit sa mga binatilyong nagbibisikleta sa may Baywalk ang lalaking naka-sando at joging pants.

Ayon sa nag-post na tumangging humarap sa camera, pinaalis, minura, at sinabihan pa aniya sila ng bastos.

Kinumpirma naman ng Southern Police District (SPD) na siya nga si PO2 Manuel Taytayon.



Kumakailan lang meron din siyang viral video na nakikipagtalo sa magkapatid na binatilyo habang may baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

At dahil sa insidenteng ito, inalis na sa puwesto ni NCRPO chief Oscar Albayalde si Taytayon. Sinampahan din siya ng magkapatid ng kasong child abuse.

Pero nagsampa na rin ng kontra-demandang libel at cyber bullying si Taytayon laban sa magkapatid dahil sa pag-post nila ng insidente sa social media na sumira umano sa kanyang pagkatao.

Ayon sa tagapagsalita ng SPD, isasama nila ang bagong video sa kanilang imbestigasyon.

Hinikayat din nila ang nag-upload ng bagong video na maghain ng reklamo laban kay Taytayon.  




Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!




Credits to: ABS-CBN

0 comments: