Friday, July 14, 2017

Panoorin: Lalaking Hubo't Hubad Nagwala sa Tondo

Photo credits to owner
Isang lasing na nag-amok at nanira pa ng kotse ang na-hulicam sa Tondo, Maynila.
Sa ulat ni Emil Sumangil sa "24 Oras" nitong Biyernes, makikita sa CCTV na walang saplot sa katawan ang isang lalaki na lumitaw sa madilim na bahagi ng kalsada at mistulang nagparada pa ng sarili sa harapan ng mga karinderya sa Juan Luna St., Brgy Gagalangin, Tondo, Maynila. 
Matapos nito, kinalampag pa niya ang nakaparadang sasakyan sa harapan, saka dumampot ng matigas na bagay at hinataw ang kotse.
Hinampas pa niya ang mga salamin at binuhat pa ang upuan saka hinampas uli ang sasakyan.
Dumating naman ang mga tanod ng barangay, pero hindi sumama nang maayos ang lalaki kaya napilitan na siyang bitbitin.
Sa report na nakarating sa barangay, lango sa alak ang lalaki.
"Ang sabi ng magulang uminom noong gabi at allegedly isang araw nang hindi natutulog," ayon kay Lourdes Guttierez, kapitan ng Barangay Gagalangin, Tondo, Maynila.
"Andami namang pwedeng paglibangan, katulad ng sports, pwede naman i-focus ang attention sa sports, sa pag aaral," dagdag pa ng opisyal.
Pinatawad na lang daw ang lalaki ng may-ari ng na-damage niyang kotse.
Ang swerte niya at pinatawad siya nung may-ari ng sasakyan kasi kung sa iba yan irereklamo talaga siya dahil hindi biro ang magpagawa ng salamin ng sasakyan. 


Kapag sa inyo nangyari to, ano pong gagawin ninyo?
Credits to: GMA
http://ift.tt/2uoJnVJ

0 comments: