Photo credit to owner |
Nagkalat ngayon sa social media ang mga video at litrato ng mga lalakeng may ginagawang hindi maganda sa mga pampublikong sasakyan.
Ang mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan (PUV) na nakakaranas ng sekswal na panliligalig mula sa mga kapwa pasahero at driver ay pinapayuhan na huwag maging tahimik at sa halip ay mag agaw ng pansin ng iba o ireport kaagad sa malapit na himpilan ng pulisya o barangay.
Ayon kay Elena San Pedro, president of Intercity Bus Operators Association (INTERBOA) heto ang mga dapat gawin ng pasahero at ng mga PUV's na liable sa mga ganitong pangyayari.
- Kunin nila (biktima) 'yung atensyon ng mga tao sa paligid nila. Kumibo sila kasi kung hindi sila kikibo ay hindi malalaman ang ginagawa sa kanila.
- Kung ang driver o konduktor ang salarin, kunin ang kanilang mga larawan habang pinayuhan ng Pang Isda president Obet Martin ang pag-uulat ng insidente sa Land Transportation Office (LTO)
- Kunin ang plate number, i-report sa LTO, pagkatapos mag-file ng pormal na reklamo sa LTO
Samantala, hinimok din ng mga driver at konduktor ng PUVs na tulungan ang mga kababaihan na nakakaranas ng sexual harassment habang nasa pampublikong transportasyon. Ang mga driver ng PUV ay dapat tumulong sa mga biktima sa pamamagitan ng pagharap sa mga may kasalanan o kumilos bilang saksi kung sakaling ang ulat ay iniulat sa pulisya.
Puwedeng iparada ng driver at makipagusap sa nagrereklamo at nirereklamo. Kung gayon, pwedeng i-diretso sa presinto kasama ang complainant, kasama ang driver, na magpapatotoo,
Sa mga lumalaaganap na hindi magandang gawain na usually kalalakihan ang may gawa, ipinagiingat ang mga kababaihan lalo na sa pananamit at pagbyahe ng mag-isa.
Ang mga ganitong pangyayari ay walang pinipiling oras, araw, edad o kasarian. Mas mainam na magdasal lagi at maging alerto. 'Wag ipagwalang bahala ang mga nangyayari sa kapaligiran. Lalo na ngayon, social media ang pangunahing source para mailantad ang mga katotohanan.
Credits: News/ GMA
http://ift.tt/2tjOkhH
0 comments: