Thursday, August 10, 2017

Duterte bumisita sa Camp Crame kung saan nakakulong si De Lima

Photo credits to owner

Pangulong Duterte pumunta sa Camp Crame kung saan nakakulong din si De Lima.
    
At isa din sa dahian ng pagpunta niya dito at para dumalo sa 116th Police Service Anniversary at command conference.

Sabi ni Duterte, gusto sana niyang dalawin ang selda ni De Lima sa PNP Sports Center kung saan isanasagawa ang kanyang dinaluhang selebrasyon, ngunit malayo ang selda nito.

"Nagpunta ako doon sa crame, sinilip ko ‘yung presuhan niya. Pssssttt. Gusto kong sabihin o… malayo man. Nagpunta ako sabi ko, saan na ‘yung g*** na ‘yun? Doon dinala ako," sabi ng Pangulo sa isang talumpati. 

Hindi naman nakaligtaang banatan ng Presidente ang European Union na nagsusulong na isailalim na lang sa house arrest ang mambabatas na kanilang tinawag na "prisoner of conscience." 

Nakulong si De Lima dahil sa isyu ng pagiging protector umano nito sa mga bilanggong sangkot sa ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison. 

Mariing pinabulaanan ni De Lima na sangkot siya sa pagbebenta ng ilegal na droga at tinawag na "political persecution" ang kaniyang pagkakakulong.




Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!



Credits to: ABS-CBN

0 comments: