|
Jollibee Food Corporation (JFC) on Thursday issued an apology to Bunny Cadag, a transgender woman hired as a transcriber for an evaluation interview by the company.
Bunny Cadag, who works as an outsourced transcriber, claimed to not having been invited to return to Jollibee's Ortigas office after working there for a day.
Cadag sought a "formal explanation" from Jollibee. Cadag claimed to having been told that the company held Catholic beliefs and was "not welcoming" to the idea of a "transgender" in the workplace.
"Jollibee Foods Corporation (JFC) sincerely apologizes to Bunny Cadag, who experienced an unfortunate incident as relayed in Bunny's Facebook post. We also apologize to everyone who was offended or affected by this," the statement read.
They added that the company is trying to reach out to Bunny to extend their apology personally.
|
Cadag posted about the incident late Wednesday evening in her Facebook account:
Tao sa tao.
TANONG : Kung hindi tayo sasandal sa kahit anong batas, regulasyon o kautusan, sino rito ang sumasang-ayon na pagdating sa trabahong sulatin, ang sulatin ay dapat suriin sa
1/uri, paraan, kalidad at disiplina ng pagkakagawa,
2/gayon rin sa uri, paraan, kalidad at disiplina ng ideya at serbisyo ng tagagawa
at hindi sa ekspresyon ng kasarian ng tagagawa o/at napiling sekswalidad?
30, June 2017
Sa pamamagitan ng Human Capitol Development (HCD), naimbitahan ako, kasama pa ang dalawang kaibigan, para maging TRANSCRIBER ng isang Evaluation Interview ng Jollibee Food Corporation. Ito ay ginawa sa JFC Main Office, Ortigas mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Ito ang unang araw mula sa tatlong araw na sesyon ng Evaluation Interview at trabahong transkripsyon. Pinaalalahanan lang kaming maging neutral. Sa unang araw, ang mga Store Heads na sumalang sa interview ay sina Cath, mula sa Marketing, Sheryl at Kristine mula Purchasing. Natapos namin nang maayos ang trabaho at maayos ring nabayaran.
3, July 2017
Isang araw bago ang ikalawang sesyon, nakatanggap kami ng tawag mula kay Mr. Louie Angsico, isa sa mga contact persons sa HCD. Sa telepono, humihingi ng tawad si Mr. Angsico, dahil hindi raw niya alam kung paano sasabihin sa akin — na (non-verbatim)
1/hindi pa handa ang Jollibee Food Corporation sa LGBT Culture at mga katulad ko
2/hindi pa sila welcoming sa idea na may Transgender sa loob ng isa sa mga kwarto nila at gumagawa ng transkripsyon
3/ang JFC raw ay may paniniwalang Katoliko
4/willing pa rin silang ibigay sa'kin ang trabaho thru "recording"
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano'ng dapat maramdaman. Tinanong ko si Mr. Angsico kung saan/kanino eksakto nanggagaling ang diskriminasyong ito at kung paano ito nagumpisa - kung isa ba sa mga empleyado, o mga Store Heads na sumalang sa Interview, o sa mga guwardiya ng gusali. Isa lang ang sigurado ko sa puntong 'yun, gusto kong tanungin yung mismong tao : BAKIT?
Tinanggihan ko nang ituloy pa ang transkripsyon.
Makikita sa mga larawang narito ang klase ng damit ko nung ginawa ko ang transkripsyon sa unang araw. Kapatid, wala akong makitang mali.
Bilang isang Gender Queer, sa palagay ko, kilala at dinadala ko ang sarili HINDI AT MALAYO sa kung ano ang dinidikta ng publiko tungkol sa kung ano ang dapat ayon sa biological identities. Lagi akong bukas sa transisyon.
11, July 2017
1/Nagpadala ako ng email kay Mr. Angsico - gusto ko pa ring malaman kung kanino ito nag-ugat - email dahil lumipad papuntang London si Mr. Angsico nung July 3 at babalik sa July 14. Wala akong nakuhang sagot.
2/Nagdesisyon na akong magpadala ng mensahe at Complaint Letter sa Official Facebook Page ng Jollibee. Wala ring sagot. Nanatili itong "un-seen."
3/Ipinadala ko na rin ang Complaint Letter ko sa Official Website ng Jollibee. Sumagot sila. Nagpadala ng mensahe sa email ko, kaso, tunog "automated".
Sinabi ko sa Complaint Letter na hahayaan ko na muna silang imbestigahan ito sa loob ng tatlong araw. Kailangan nila ng oras at panahon, alam ko.
14, July 2017
1/Nakabalik na marahil si Mr. Angsico, pero wala pa rin akong nakuhang sagot.
2/Tinawagan ko na ang Customer Service ng JFC. CHERRY ang pangalan ng Representative. Kinuwento ko ang lahat. Ito ang pangatlong araw mula sa tatlong araw na binigay kong panahon. Sabi ni Cherry, natanggap at nabasa daw nila ang Complaint Letter ko. Humihingi sila ng isa pang araw para sa imbestigasyon. Sabi ko, "sana makakuha ako ng feedback within this day." Sumang-ayon si Cherry. Iniwan ko ang mga numero ko sa kanya para kung sakaling kailangan akong tawagan. Pero wala na 'kong narinig galing sa kanila simula noon.
Umaasa pa rin akong masasagot ako ni Mr. Angsico. Pero July 21, nalaman kong nasa Singapore pala siya.
27, July 2017
Sinunod ko ang payo ng mga kaibigan, nagsadya ako sa Commission on Human Rights of the Philippines - Gender Office. Humingi ako ng tulong. Isinumite ko ang mga printed copies ng Complaint Letter, email messages at text messages na rin namin ni Mr. Angsico. Ang huling bilin sa'kin ay ipapasa na nila ito sa mag-iimbestiga at aabisuhan ako sa loob rin ng ilang araw. Kamakailan lang, napag-alaman ko mula sa CHR-NCR na wala pa ring humahawak sa kaso at kasalukuyan pa ring naghahanap ng imbestigador. Eksaktong dalawang linggo na bukas.
Gusto ko lang sanang makarinig ng pormal na paliwanag mula sa Jollibee Food Corporation. Higit sa anupaman, tumitindig ako, hindi lang para sa sarili, kung hindi para sa mas marami pang nakatatandang kapatid na LGBTQIA++, na nakaranas ng parehong diskriminasyon sa loob ng mga opisina o korporasyon. Tumitindig tayo para sa mas marami pang parating na batang LGBTQIA++, na posible ring masuri muna ang "gender identity" bago tanggapin sa mapipiling propesyon.
Patnubayan nawa, pero higit kailanman, ngayon mas kailangan at dapat ipasa ang Anti-discrimination bill. Nawa ay hindi na ito ibinbin pa. Nananawagan ako. Nakikiusap. Tao sa tao.
#AntiDiscriminationLaw
Photo credit to owner |
Cadag's post on Facebook has received 3,000 "likes" and 1,500 shares. Cadag identifies as "gender queer."
JFC in their statement declared that the incident was an "isolated" one and that they do not "in any way tolerate any disrespect, discrimination, harassment, violation or intimidation of any person, consistent with our company policy on diversity and inclusion."
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!
Source: GMA, Facebook/ BunnyCadag
0 comments: