Friday, August 11, 2017

Must Watch: 34,000 katao posibleng mamatay kapag tumama ang 'The Big One'


Muli naranasan nanaman natin ang paglindol, na sa tuwing mararadaman natin ang pagyanig eh talaga namang hindi mo maiwasang maitanong kung ito na ba ang hudyat ng tinatawag na "The Big One".

Kaya naman kaliwat kanan ang pagpapaalala sa atin kung ano ang dapat gawin kapag nakaramdam ng lindol.

Ayon sa PHILVOCS posible raw na mahigit 30,000 libong katao ang posibleng masawi kapag tumama ang the big one na mahigit magnitude 7 na lindol sa Metro Manila

At 4,000 na katao naman sa mga karatig na lalawigan kabilang na ang Rizal, Bulacan, Cavite, Laguna at Pampanga na dinadaanan ng fault system. Sa kadahilanan na hindi raw kasi alam ng maraming Pilipino ang mga minimum requirements para patibayin ang mga bayan at gusali.

Kaya naman nagbabala na ang PHILVOCS dahil ayun sa kanila marupok ang gawa ng mga gusali sa Metro Manila dahil kadalasan gawa ito ng karpentero at mason na hindi dumaan sa enhenyero.

"Kayang-kaya ng ating mga bahay, dapat ang intensity 8 o intensity 9 earthquake  kung nasunod yung building code, pero kung sa disenyo sinunod natin pero sa actual construction ay hindi maganda o yung mga materyales natin ay hindi maayos, diyan nakikita sa eartquake kung sino ang may problema o wala." Pahayag ni Dir. Renato Solidum ng PHILVOCS.





Kaya naman dapat siguraduhin natin ang kaligtasan ng bawat isa, mas maganda yung handa na ang lahat kesa sa huli ang pagsisisi.


Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!


Credits to: Pinoythinking

0 comments: