Monday, October 9, 2017

Andanar ipinagtanggol si Mocha "kung nabubwisit ka sa sinusulat niya, 'wag mong basahin"


Simula ng ipatawag si Asec. Mocha Uson sa senado puro pambabatikos na ang inabot nito.

Kaya naman to the rescue si Martin Anadar at ipinagtanggol si Mocha at nagbigay ng payo na huwag nalang basahin ang mga sinusulat nito kung nabubwisit sila sa mga post niya sa social media.

"Ngayon kung nabubwisit ka sa sinusulat niya, 'wag mong basahin, 'di ba. Ganun lang ang para sa 'kin," aniya niya.

Si Uson ay kinikilala ng mga taong bayan na masugid na taga pagtanggol ng Duterte administration sa mga bumabatikos dito.

At kumakailan, pinagbintangan din si Uson na nakakalat diumano ito ng "fake news" sa social media, ngunit itinanggi naman niya ito.

Pinaliwanag din ni Andanar na yung mga pinopost ni Uson sa kanyang social media account ay pawang mga sariling opinyon at hindi bilang isang miyembro ng administrasyon.

Sabi rin nito na hindi na sakop ng kagawaran ng Presidential Communications office (PCOO) ang mga sinasabi ni Uson sa kanyang social media account.

Dagdag pa ni Andanar na lahat naman ng kawani ng gobyerno at may kanya kanyang social media account na kung saan pwede din sila magpost ng kahit ano na gusto nila.

"Nagkataon lang si Mocha may five million followers at ang ibang taong gobyerno ay wala pang 5,000, 'di ba? So kumbaga nagkataon lang na mas sikat si Mocha, so everytime na maglagay siya ng komento sa kanyang Facebook account, nagiging viral," sabi ni Andanar.



Noong nagkaraang linggo sinabihan ni Senator Nancy Binay si Uson na dapat raw itong mamili kung siya ba ay magpapatuloy na maging isang blogger o opisyal ng gobyerno.

At kung kayo naman ang tatanungin nararapat bang mamili ni Uson sa bagay na kanyang nahiligan at pagbibigay serbisyo sa gobyerno? 

Ipinaliwanag din ni Andanar na magiging isang opisyal ang isang pahayag kapag lumabas na ito sa official social media account at media platform ng PCOO.

"Kapag si Mocha nagsalita na sa media, kapag siya'y nagsalita sa mga website, social media accounts ng gobyerno, kung ano ang sabihin niya doon, official Assistant Secretary Mocha Uson 'yon," paliwanag ng kalihim.

"Pero kung ano sabihin niya sa sariling account, sarili niya 'yun," dagdag pa niya.

Alam ng nakararami na ang social media ay isang malawak na platform na kung saan ay may freedom of speech. Bagamat kailangan din maging responsable sa bawat salita o picture na pinopost.

Dahil hindi natin hawak ang mga utak ng iba na kung minsan ang sariling opinyon ay binibigyan na masamang imahe.


Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you! 

http://ift.tt/2yzmEpz would like to take note that this website is not manned by journalists, but they aspire to be one. Most of our writers don't have a degree in journalism or any English major. You may encounter some mistakes in grammar but rest assured that we will do everything we can to the best of our knowledge and abilities to minimize those errors.


Source: GMA

0 comments: