Tuesday, October 10, 2017

SENATOR MANNY PACQUIAO: "Anti-Smoking Champion" seeks to Double Tobacco Tax Rate

Photo credits to owner
Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng sigarilyo at sa kaliwat-kanan na advertisement para mabawasan ang mga gumagamit nito eh marami padin talaga ang hindi maiwan ang kanilang bisyo.

Madami parin ang hindi matinag sa paggamit nito.

Kaya naman umarangkada na sa paghain ng batas si Senator Manny Pacquiao na taasan ang buwis sa sigarilyo.

Sa ngayon ito ay nasa 30 pesos, ngunit plano itong itaas at gawing 60 pesos sa taong 2018. 

At sa Senate Bill 1599 na hinihain ni Pacquiao hinihiling niya na tumaas din ang excise tax nito mula sa 4% sin tax law noong 2012 gawin itong 9% at kadataon madadagdagan ito ng 9%.


Ang dahilan ng panukalang ito ay para mabawasan ang mga taong gumagamit ng sigarilyo.

Sa isang press conference kanina nagsuot ng isang anti-smoking champion belt si Manny Pacquiao patunay na buo ang kanyang loob sa hinahain na panibagong batas.

Credits to owner

Credits to owner

Ayon pa kay Pacquiao isinusulong niya ito dahil masama ang epekto ng pagsisigarilyo sa katawan at kapag naipasa ito tataas ang kita ng gobyerno na ibabalik naman daw sa health sector.

Sa kasalukuyan, inaasahan na aabot ng 110 billion pesos ang kikitain ng gobyerno mula sa kasalukuyang Sin Tax Law.

At sa panukalang ito marami naman ang sumosuporta sa kanya. Ito ay binubuo ng mga medical organization tulad ng Philippine Medical Association, Philippine College of Surgeons at Philippine College of Physicians.

Ngunit ayon naman kay Dr. Antonio Dans, convenor ng Sin Tax Coalition malaki padin naman daw ang binawas ng mga naninigarilyo ngayon sa bansa simula nang  maisabatas ang Sin Tax Law nuong 2012.


Ayon dito mula sa 17 milyon katao na naninigarilyo bumaba raw ito sa 13.5 milyon. Ngunit na ngangambang muli itong tumaas sa 2018 kung pananatilihing mababa ang buwis, dahil nasasanay na daw ang mga tao sa presyo ng sigarilyo at mabilis din nakapagadjust ang nakararami.

Dagdag pa nito, patuloy rin ang pagtaas ng populasyon kaya maaaring mawalan ng impact ang Sin Tax Law ng 2012.

Dahil sa usapang ito, nangako naman si Senador Sonny Angara na pagaaralan daw ng committee ang panukala ng health sector.

Kung kayo naman ang tatanungin papayag ba kayo na maaprubahan ang bagong batas na ito? Sa kabilang banda naman ang layunin lang naman ni Pacquiao eh mapanatiling malusog ang pangangatawan ng bawat tao.

May kasabihan nga tayo na masama sa katawan ang sobra at kulang kaya dapat yung sapat lang.


Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you! 

http://ift.tt/2yzmEpz would like to take note that this website is not manned by journalists, but they aspire to be one. Most of our writers don't have a degree in journalism or any English major. You may encounter some mistakes in grammar but rest assured that we will do everything we can to the best of our knowledge and abilities to minimize those errors. 


Source: News5

0 comments: