Tuesday, April 14, 2020

Lol! Drew Olivar highlights 15 major problems Pinoy social climbers faced while in ECQ

According to Merriam Webster, a social climber is someone who attempts to gain a higher social position or acceptance in fashionable society.

Speaking of which, Facebook blogger Drew Olivar came up with another brilliant and entertaining Facebook post by highlighting the various struggles faced by Pinoy social climbers as the entire Luzon is placed under enhanced community quarantine or ECQ.

Whether Olivar talked from his personal experience or not, it does not matter. For sure, Olivar managed to hit the nail right on the head.

In a Facebook post that has generated quite a buzz among his socmed followers, Olivar cited 15 common problems social climbers are experiencing right now, ranging from the serious one, like using up their bank savings after splurging it on plane tickets and hotel bookings to boast it on Instagram to the mundane like inability to post a WOKE UP LIKE THIS selfie because it would expose their lies.

You may start reading Drew Olivar FB post now and comment below if you find this funny or not.

Paano naman kaming mga SOCIAL CLIMBER? Ito ang problema namin ngayun.

1. Ang hirap ng buhay namin ngayun kasi nagastos na namin yung pera namin kakatravel para may maipost na plane ticket at hotel booking na pangyabang sa IG.

2. Ang hirap ngayun magpost sa FB or IG ng picture ko kasi makikita na walang takip yung kisame namin. Makikita yung bakal bakal at wirings ng kisame namin. Hndi na kasi ako makapunta dun sa bahay ng rich friend ko para makapagpapicture at palabasin ko na bahay ko.

3. Ibebenta ko na ata itong iphone 11 pro max ko or S20 ultra ko na kinuha ko sa globe/ smart plan para masabing rich ako. Paano kung binenta ko ito eh di mahahalata ng mga fans ko sa fb/ig na binenta ko na ang flagship phones ko kasi mababa na ang resolution ng camera ko? Kaya diko mabenta

4. Ang hirap magreklamo ngayun sa facebook na walang binibigay ang barangay at ang hirap humingi sa fb kasi bilang social climber dapat di nila makita na hindi humihingi at nagugutom ang mga social climbers.. kaya share share na lang ng mga post ng iba na nagrereklamo with caption “baka naman”..para hindi masyadong pulubi

5. Kaming mga social climber ay hindi mapakali ngayun kasi andami naming iniisip na bayarin after ECQ. kumuha kuha pa kasi ako ng condo na ipagpilitan ko kahit ambaba naman ng sweldo ko. Kailangan magkacondo kasi naming mga social climber para sabihin na binili ni dad and mom para sakin o kaya naman palabasin na malaki kasi ang sweldo..

6. Naku pahirap saming mga social climber itong ECQ kasi matumal ang bentahan ng laman. Wala yung mga sugar daddy at sugar mommy namin at mga gay benefactor namin. Walang pondo sa pagpapasosyal.

7. Hirap kaming mga SOCIAL CLIMBER ngayun kasi hahanapin ng mga fans namin yung sasakyan na sinasakyan ko. Ang totoo nyan GRAB po yung sinasakyan ko pero papalabasin na sasakyan ko. Hindi ko kaya tuloy makisabay sa TRIP AROUND YOUR HOUSE CHALLENGE..

8. Takot na takot kami ngayun na puntahan kami ng mga pinagkautangan ko dahil alam nilang nasa loob lang ako ng bahay. Panay utang kasi ako pampasosyal lang at pang esterbeks!!

9. Hirap na hirap talaga kaming mga SOCIAL CLIMBER kasi di na kami makakaOOTD kasi nakay friend yung mga damit na hinihiram ko.

10. Ang hirap din ngayun magLIVE sa fb kasi makikita nila si mom and dad and siblings na hindi sosyal ang mukha. Makikita din nila na orocan at lucky star ang cabinet namin. Mahirap na makita ng mga friends ko na nakafloormat lang ang bahay.

11. Ang init init ngayun. Di kami makapagtipid sa kuryente kasi kaming mga social climber dapat mukhang nalalamigan dapat ng aircon mga mukha namin. Pero dahil sina mom and dad ay di SOCIAL, pinapatay nila ang aircon namin at electric fan.

12. Walang starbucks ngayun. Ang hirap magkape na sobrang init ng venue at hindi cozy ang bahay namin. 5 watz na bumbilya kasi ang ilaw namin sa bahay eh. Di kami makapagpasosyal ngayun

13. Lunch lang ang mapopost kong pagkain ngayun kasi si mom and dad pinapainit at inuulit yung pagkain for DINNER.

14. Ang hirap ngayun na walang pangmaintenance na gluta at collagen drink. Paano na yan magmumukha na akong kutis mahirap. Baka pagisipan ako ng mga friends ko na wala talaga sa balat ko ang pagiging mayaman.

15. Paano yan di ako makapag WOKE UP LIKE THIS selfie? Paano naman patong patong kami buong pamilya sa isang kama at pinatay pa ni mom ang electric fan ng alas kwatro palang ng umaga. Kaya haggard talaga.

Your comment?

Source: Drew Olivar

The post Lol! Drew Olivar highlights 15 major problems Pinoy social climbers faced while in ECQ appeared first on Pinoy Trending News.

Related Posts:

0 comments: