Saturday, April 4, 2020

Open letter po ito sa mga taong may VIRUS ang tingin sa mga OFW at mga marinong tulad namin — Marino Ranedz Yuan

An open letter addressed to Filipinos who looked at OFWs and seamen as some kind of a virus carrier has been making the rounds online lately.

CTTO

The open letter was attributed to a certain Ranedz Yuan, a seaman, and posted in the Facebook page “Marino Ph” on April 4, 2020.

In the open letter, the author appealed to fellow Filipinos to welcome returning OFWs and seamen just like before the virus scare because of their “pasalubongs” or for any other reason. He urged Filipinos to treat them the same way they were welcomed before. The OFWs and seamen need now more than ever the understanding because of their situation from fellow Filipinos.

The author assured the public they are safe from the covid virus because they are anchored at sea, like prisoners in a huge metal prison and strictly observed safe distancing practice in the ship. They also undergo rigid medical testing before they are allowed to go home to the Philippines.

He also appealed to the public who are against OFWs and seamen being quarantined in their place to understand the situation of the OFWs and seamen who have been separated from their families for a long time. Besides, he said, the virus does not fly and enter the homes of nearby communities. They also observed 1 meter social distancing. He asked how can the virus get to the nearby communities when the OFWs and seamen are safely tucked away in a hotel or a place, which is 1 meter away from their houses. (I think the author meant 1 KM away from the houses of nearby communities.)

The author ended the post appealing for unity among Filipinos amid the crisis we are facing, follow the government and not to be hard-headed.

You may read the original article below.

Open letter po ito Sa mga taong may VIRUS ang tingin sa mga OFW at mga marinong tulad namin.

Oo, hindi naman namin maaalis yung takot nyu, takot natin about sa COVID, pero kami tao rin takot rin kmi mamatay. Hindi lang nman kayo na apektuhan ng virus, pati rin kami apektado. Mas lalo yung mga marinong hindi makasampa at walang trabaho. Kayo nga naiinip nga Sa loob ng bahay nyu wala pa isang buwan na quarantine. Lalo na kami na mahigit 9 na buwan sa laot.

Kami sa barko karamihan ngayun ay naka anchorages sa gitna ng dagat hindi kami prone sa lupa. Parang preso nga kami sa loob ng malaking bakal na nakalutang sa dagat at mas sumusunod kami sa qaurantine na tinatawag dahil hindi kami lumalabas. Paano kmi makalabas kung dagat at langit makita namin kaya mas safe nga kami dahil hindi kami expose sa lupa. Sa inyu sa pinas sinabi na nga bawal lumabas pero marami parin matigas ang ulo. Sinu sa atin yung sumusunod at hindi?

Sa mga tao naman na ayaw nila ipa quarantine yung mga OFW sa lugar nila, Isipin nyu nman yung kalagayan nila na matagal rin nalayo sa mga pamilya nila at isa pa ang virus ay hindi nman lumilipad papasok ng bahay nyu. Diba may SOCIAL DISTANCING nga na 1 meter. Paano makapunta sa inyu e kung nandun sila sa isang hotel o lugar na mahigit 1 meter layu sa bahay nyu . Diba higit 1 meter nman yan sà inyu. So paano kayu mahawa? Kasi yung nakakahawa lang ay close contact to each person..

Alam nyu mas mahigpit pa nga yung check ng health namin mga marino bago makauwi dyan sa pinas dahil sa virus na yan. Dahil kung may sakit na kmi. D nman kmi papayagan makauwi. Saan nyu kami pwd ilagay kung d nyu kami tatanggapin sa pinas? Sa ibang bansa nyu kami pauwiin.? Eh taga pilipinas naman kmi pilipino rin kami at iisang bansa lang tayu. Diba tayung mga pilipino ay may pusong mamon yan ang pinag.kaiba natin sa ibang lahi dahil maawain tayu. Yung taga ibang bansa tinatanggap nila yung mga ofw nila at tinutulungan at hindi dini discrimanate pero sa atin iba eh, lalo nyu lang iiwasan at panandidirihan dahil may virus daw na dala.

Ang hiling ko lang po sana tanggapin nyu po kaming mga OFW sa puso nyu, sa kung paano nyu kami tinanggap noong wla pang virus. Dahil karamihan po sa atin welcome ka kapag galing kang abroad dahil may pasalubong at sa kung ano mang kadahilanan. Ibalik nyu naman sa amin yung pagmamahal nyu at pag uunawa may virus man o wala. Dahil ngayun namin kailangan ang pag intindi nyu sa sitwasyun namin. dahil lahat naman tayu ay lumalaban para dito.

Sa mga nakakaunawa sa sitwasyun namin maraming salamat po. Kami po ay sabik ng makauwi rin ,makita ang minamahal namin at malagpasan natin ang sakunang dulot ni COVID.

Wag narin po matigas ang ulo natin. Sumunod nalang tayu nang maayus sa gobyerno natin. Magkaisa tayu Para d na kumalat at malagpasan natin to lahat.

#pagsubok
#labanpilipinas
#labananangcovid19

-Ranedz Yuan

Your comment?

Source: Marino Ph

The post Open letter po ito sa mga taong may VIRUS ang tingin sa mga OFW at mga marinong tulad namin — Marino Ranedz Yuan appeared first on Pinoy Trending News.

0 comments: