“Stop fanning the flames of anger and inciting the public to unite against and oust President Duterte. That’s stupidity!”
This is essentially the message of the UP PGH doctor to the Opposition politicians and critics who are taking advantage of the crisis to further their political agenda by spreading black propaganda design to turn the public against President Duterte.
Dr. Francisco Pascual Tranquilino said that if President Duterte and his government fails in the fight against the covid-19 virus, we all suffer, we all die.
Dr. Tranquilino said that no countries anywhere in the world came prepared when this pandemic arrived in their shores. Blaming President Duterte for its lack of preparedness is of no use because no amount of preparation can ever be enough. He urged the pubic to read the news so they know that even the richest nations are suffering from this crisis.
Problems like lack of respirators, hospital beds, PPEs, testing kits and surgical masks plague the hospitals in the US, Spain and Italy. These countries also belatedly imposed enhanced community quarantine thus explains the huge number of infected individuals needing hospitalization, overwhelming their hospital system and work force which in turn leads to the high number of fatalities.
Meanwhile in the Philippines, Dr. Tranquilino said we have imposed an enhanced community quarantine. Compared to the above-mentioned countries, our quarantine protocols are much better. He admitted that we lack PPEs early in the game but the government has done something about it now. According to him, we have designated 3 hospitals to cater only to covid patients, which the US does not even have as of this writing. The government has also setup a program addressing the needs of Filipinos affected by the lockdown like food, which is not implemented in other countries. In addition, the Philippines has setup a quarantine facilities to isolate the PUIs and PUMs and developed our own test kits, courtesy of UP NIH which were distributed to 6 hospitals throughout the country.
Dr. Tranquilino told critics to refrain from blaming the President for not imposing a travel ban or restrictions against Chinese nationals early because we are afraid of China. He explained that China was not the only basis in our policy in responding to the crisis. He said there were other factors that came into play. If you insist on blaming China, Tranquilino said you are stupid.
Tranquilino said our system may not be perfect, they (doctors) are doing something, the government are doing their part. The government is not inept as what the critics want the public to believe. He said the Philippines is in a better shape compared to richer countries.
Dr. Tranquilino wrapped the FB post by telling critics calling for Duterte’s ouster to shut up if they contribute nothing or refuses to cooperate because there are more Filipinos who support and trust the President because they loved our country.
You may read the original article below.
TIGILAN NA ANG PANGGAGATONG NA MAGALIT ANG MAMAMAYAN KAY PANGULONG DUTERTE SA PANAHONG ITO, ISA YANG KAHIBANGAN
Kung iyan ang ninanais mo sa panahong ito, kung ginagamit mo ang pagkakataon ngayon upang silaban ang galit sa Pangulo, HANGAD MO ANG KAPAHAMAKAN AT KAMATAYAN NG KAPWA MO. Sapagkat kung hindi magtagumpay ang ating Pangulo sa labang ito, tayong lahat ang magdurusa, tayong lahat ang mamamatay.
Walang bansa saan man sa buong mundo ang handa para sa pandemic na ito. Kaya huwag mong sisihin ang pamahalaan sapagkat walang bilang ng paghahanda ang sapat. Magbasa ka ng mga balita, maging mayayamang mga bansa, nakakaranas ng mas matinding hirap dahil sa krisis na ito.
Sa US, kulang ang mga pagamutan, kulang sa mga respirators, kulang din sila sa mga testing kits, at PPEs kaya ang ibang ospital ay nag-uutos sa kanilang mga healthcare workers na magdala ng sariling masks. Wala silang tamang panuntunan sa pag-quarantine kaya higit na mas marami sa kanila ang may sakit, na-oospital at namamatay.
Sa Italya, kulang din sa pagamutan, kulang sa PPEs, ang sinumang higit 80 taong gulang ay hinahayaan na lamang na mamatay dahil ang resources ay higit na kailangan para sa mga mas nakababata.
Sa Espanya, kulang din sa mga pagamutan, hindi na inilalagay sa respirators ang sinumang higit 65 yrs old dahil din sa kakulangan sa mga ito. Ang libu-libong namamatay ay inilalagay na lamang sa ice skating rink dahil sa kakulangan ng morge.
Samantalang dito sa atin, nakapagpatupad tayo ng enhanced community quarantine at kahit paano ay may sapat tayong panuntunan para dito. Nagkulang man ang PPEs natin sa simula subalit tinutugunan na natin ito ngayon. Mayroon na tayong tatlong covid referral hospitals, laan para sa covid+ cases lamang, walang ganito sa US hanggang ngayon. May programa ang mga pamahalaang local upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan tulad ng pagkain, walang ganito sa ibang bansa. Naghahanda na rin tayo ng malalaking lugar tulad ng Rizal Sports Complex, PICC Forum, Philippine Sports Arena (ng Iglesia ni Kristo sa Bulacan), upang magsilbing quarantine facilities, may sarili tayong test kits na imbento ng isang Pilipino mula sa UP National Institutes of Health na naipamahagi na ang 26,000 na piraso sa 6 na ospital upang lalong mapabilis ang pag-testing natin.
Naglaan ang pamahalaaan ng 250 bilyong piso para sa mga mahihirap na kabahayan na apektado ng krisis na ito. Inilunsad din ang pinakamalaki at pinakamalawak na social protection program sa kasaysayan ng ating bansa upang tugunan ang nawalang economic opportunities habang may enhanced community quarantine.
Huwag nating ipagdiinang dapat nagpatupad tayo ng mas maagang travel bans o restrictions subalit di ginawa ni Pangulong Duterte dahil takot ito sa China. Hindi ang China ang batayan ng ating mga hakbangin sa krisis na ito, huwag ninyong guluhin ang usapan. Maraming panuntunan ang dapat isaalang-alang bago magpatupad ng mga ito. Kung hindi mo alam ‘yan, at nakatuon pa rin ang paninisi mo sa China, sorry na lang sa paggamit nito, pero TANGA ka!
Bagamat hindi perpekto ang ating sistema, may ginagawa tayo, may ginagawa ang pamahalaan, hindi inutil ang pamahalaan tulad ng pilit pinapalabas ng iba. Mas maayos ang lagay natin kaysa sa ibang mga bansang mas mayaman pa sa atin.
Hindi binalewala ni Pangulong Duterte ang buhay ng mamamayang namatay dahil sa covid-19 at lalong hindi niya pinagtaksilan ang pagkamatay ng mga manggagamot nung sinabi nyang isang karangalan ang mamatay habang naglilingkod sa kapwa. Hindi ito pagmamaliit, hindi ito pag-“romanticize” sa mga duktor na pumanaw, tulad ng sabi ng iba. Ito ay sinabi ng Pangulo bilang pagkilala at pagbigay-pugay sa kanila. Kung bibigyan mo ng malisya ang pahayag ng Pangulo, di ka marunong umunawa, kaya tumahimik ka na lang!
Kaya yang mga nag-iingay at panay batikos sa Pangulo at pinagdidiinan ang #oustduterte, tigilan nyo na ‘yan. Kung wala kayong magawa at ayaw ninyong makisama sa pamahalaan sa panahong ito, manahimik kayo, mas higit na nakararami kaming sumusuporta sa Pangulo at sa kanyang Pamahalaan dahil mahal namin ang bayan.
Your comment?
Source: Francisco Pascual Tranquilino
The post Stop fanning the flames of anger, inciting public to unite against & oust President Duterte. That’s stupidity! — UP PGH Physician appeared first on Pinoy Trending News.
0 comments: