Wednesday, July 26, 2017

Nag-Viral sa Social Media ang post ng isang Misis na umorder ng Jollibee! Hindi niya inaasahan na gagawin yun ng 'Jollibee' delivery

Photo credit to owner

Hindi lubos akalain ni Shishi Cruz De Leon ang Misis na nagpost ng picture ni Sir Aaron ang "Jollibee rider"  na nag-deliver sa kanila ng inorder niya sa Jollibee na magagawa niya ang inuutos niya dito.

Ang kwento niya sa nasabing post sa Facebook na nag-viral. Nilalagnat ang anak niya na si Gabby at wala siyang mapag-iwanan para makabili ng 'tempra' na gamot sa labas. 

Ngayon, nagbaka-sakali siya na umorder sa isang sikat na fast food chain restaurant na 'Jollibee' at hindi niya inakala na isasama ang paracetamol na inilagay niya as other request sa pag-order. 

Eto yung post ni Ms. Shishi Cruz De Leon from her Facebook account:

"Nagbakasakali lang naman ako ☺️

Nilagnat si Gabby kaninang madaling araw pero bumaba din bandang 6 a.m. kaya nakatulog ulit kami. Paggising ko around 8 a.m. chineck ko temperature nya 38.6. Pag nag 38 na temp nya panic na ko nyan. Wala na pala kaming stock na Tempra kaya nag message ako sa mga kapatid ko kung pupunta ba sila dito sa bahay. Hindi kasi ako makalabas dahil walang magaalaga kay Gabby. Kaso mukang tulog pa sila.

Sa sobrang desperado ko, naisip ko yung nakita kong post dati sa facebook na nag order sa Jollibee tapos nagpasabay na din magpabili ng Paracetamol. Kaya nag order ako online then nilagay ko sa Remarks na kung pwede magpabili ng Tempra drops para sa 1 year old baby ko. Hindi na ko umaasa na pagbibigyan ako kasi wala akong nareceive na confirmation email sa order ko. Eh pag checkout, may nakasulat don na makakareceive ako ng confirmation email. More than 20 minutes na wala pa din. Pinakain ko na lang muna si Gabby baka sakaling bumaba temperature nya.

Nagulat na lang ako may nagsalita sa pinto ng "Jollibee po". Pinapasok ko si kuya. Nilabas nya yung order ko pati yung Tempra. Naiiyak talaga ko pagkakita ko non kasi hindi ko inexpect na pagbibigyan ako.

Sobrang salamat talaga Sir Aaron. Hindi sya nanghingi ng kahit anong kapalit. Tinanong ko siya kung anong pwede kong gawin para sa kanya. Sabi niya, sulatan ko na lang ng commendation yung likod ng resibo. Nagrequest na din ako kung pwede ko siya picture-an para makita ng Jollibee kung anong ginawa niya. ❤️

Maraming salamat, Jollibee at meron kayong rider na hindi lang basta nagdedeliver ng order. May puso din ❤️ Pakicommend naman si Sir Aaron😊 Sobrang laking tulong ng ginawa niya para mabawasan pagaalala ko sa anak ko."

Sa ngayon, umabot na heto sa 38k+ shares at 21k+  na comments galing sa mga Netizens. Isa nanaman kahanga-hangang 'good samaritan' na ginawa ng isang Pinoy! 

Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!






Source: Facebook/Shishi Cruz De Leon




0 comments: