Friday, August 18, 2017

Inakalang Stiff Neck, Nakamamatay na Japanese Encephalitis na pala!


Hindi pa rin makapaniwala ang magulang ng isang dalagita sa Pampanga kung paanong ang simpleng stiff neck ng anak ay sintomas na pala ng isang sakit na kaniyang ikamamatay.

Kuwento ng inang si Monica Charmaine Licayan, nitong Pebrero, ininda ng kaniyang 15 anyos na anak na si Jessica ang stiff neck na sinabayan ng lagnat.

Ipina-checkup si Jessica, pero maayos pa raw ang resulta nito.

Hanggang sa bigla na lang naging malubha ang lagay ng dalagita.

Ayon sa ginang, may mga pagkakataong tila nagha-hallucinate na ang anak o may mga nakikita at sinasabing malayo sa realidad.

Dinala raw niya ang anak sa isang ospital sa Maynila para mapasuri dahil inakalang dengue na ang tumama sa dalagita. Nagnegatibo siya sa dengue.

Hanggang sa pumanaw si Jessica nitong Marso.

Ayon sa mga doctor, nasawi sa sakit na Japanese encephalitis ang dalagita.

Gaya ng dengue, nakukuha ito sa kagat ng lamok. Ayon sa Department of Health (DOH) nasa 300 kaso ng Japanese encephalitis ang naitala sa buong bansa.



Nakakabahala ang pagtaas ng bilang ng pasyente na may sakit na Japanese encephalitis sa bansa na aabot na sa 149 na kaso. Ito ay nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng insekto gaya ng lamok taglay ang virus na nagdudulot ng impeksyon at pamamaga ng utak.

Ang pinakamataas na kaso nito ay naitala sa Pampanga. Kung sakaling makumpirma na mayroon ngang kaso sa Vizcaya at walang travel history ang pasyente, karagdagang pagiingat ang kailangan.

WALA PANG GAMOT PARA SA SAKIT NA ITO. Ang nga antiviral na gamot ay hindi epektibo laban sa Japanese encephalitis virus. Kaya doble ingat ang kailangan para mailayo sa panganib ang pamilya.

Ang mga pasyente ay kinakikitaan ng mga simtomas gaya ng:

❗️mataas na lagnat
❗️pananakit ng ulo
❗️pagsusuka
❗️tuliro
❗️pagiiba ng ugali, asal at pagiisip
❗️pangingisay ng katawan o seizure
❗️pagkaparalisa
❗️pagkawala ng malay
❗️coma

....at pwedeng mauwi sa kamatayan. Ang ibang pasyente ay umaayos ang kundisyon pagkatapos ng anim hanggang isang taon na gamutan. Ngunit karamihang sa mga ito ay nagkakaroon ng permanenteng disability.
Pwede ito maiwasan sa pamamagitan ng

✅bakuna
✅Pagiwas sa mga lugar kung saan laganap ito
✅Paggamit ng insect repellants
✅Pagpuksa sa lamok
✅paggamit ng mosquito net sa pagtulog
✅Pagkain ng masusustansyang pagkain para sa malusog na pangangatawan at malakas na immune system

Ang lamok na nagdadala ng virus ay aktibo sa gabi at kadalasan outdoors. Ngunit naguumpisa mangagat bandang hapon, ang peak nito ay 7pm ng gabi at 3am ng madaling araw. Nangingitlog ang mga ito sa mga palayan/sakahan, sapa, balon atbp kaya nman madalas itong nambibiktima sa mga probinsya. Pwede din itong mangitlog sa mga balde o sisidlang may tubig kaya mainam na itapon at linisin ang mga pwedeng pangitlogan ng lamok sa inyong lugar.
Kung nakitaan ng simtomas, mainam na madala agad sa hospital.

Ang bakuna para sa japanese encephalitis ay pwede ibigay sa mga batang may edad na 9 buwan pataas. Para sa mga bata, dalawang turok ang gagawin, isa hanggang dalawang taon ang pagitan para sa susunod na booster. Para nman sa edad 18 pataas, isang bakuna lamang. Nagkakahalaga ito ng P2,500 hanggang P3,000/shot. Bisitahin ang inyong pediatrician o family doctor para mabigyan kayo ng karagdagang kaalaman lalo na kung byabyahe sa mga lugar kung saan mataas ang kaso nito/

Kaya naman payo ng mga doctor, agad magpatingin sa espesyalista oras na lumabas ang sintomas ng Japanese encephalitis.

Kapag nakagat ng lamok na may Japanese encephalitis, sa loob ng 5 hanggang 15 araw, karaniwang sintomas na lalagnatin ang pasyente, sasakit ang ulo, magsusuka, malilito, at mahihirapang gumalaw.



Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you!







Source:ABSCBN

Related Posts:

0 comments: