Thursday, August 24, 2017

LOOK: Mister kinagat ang ilong ni Misis hanggang sa matanggal

Credits to owner
Isang ginang ang natanggalan ng ilong dahil sa pagkagat sa kanya ng kanyang mister sa Shandong China.

Ayon sa report sinabi ni Mrs. Yang na nagtratrabaho siya bilang isang mananahi at siya ay nasa graveyard shift. 

Bago maganap ang kalunos-lunos na sinapit niya, tinatawagan daw di umano siya ng kanyang asawa nung gabing iyon, ngunit hindi niya ito nasagot.

At makalipas ang isang oras, nagulat nalang siya at biglang dumating ang kanyang mister. Nakipag away ito sa kanya at binugbog siya, hanggang sa maitulak siya pader at duon na nga kinagat ang kanyang ilong hanggang sa matanggal ito.

Nang dumating ang mga pulis sinubukan nilang hanapin yung natanggal na ilong ngunit hindi nila ito makita.

Nang masuri ng mga doctor ang kalagayan ni Mrs. Yang, hindi na raw nila kayang magsagawa ng reconstructive surgery dahil halos wala ng natira sa ilong niya. Kalahating cartilage at kaunting balat nalang ang naiwan.

Photo credits to owner
Dagdag pa ni Mrs. Yang na naging mas salbahe raw ang kanyang asawa matapos ipanganak ang anak nila na babae. Dahil sa one chid policy ng Vhina, gusto niya ibenta ang kanyang anak at sumubok ulit magkaroon ng anak na lalaki.

Natakot si Mrs Yang na baka patayin ng kanyang mister ang anak nila na babae kaya pinadala siya sa kanyang lolo at lola.

Photo credits to owner
Dahil sa pangyayaring ito naisip niya tama lang ang kanyang ginawa sa kanyang anak dahil kung hindi niya agad ito naipadala sa kanyang lolo at lola baka kung ano pang masama ang mangyari sa bata.

Sa ngayon hinahanap paddin ng mga pulis ang kanyang asawa, dahil pagkatapos ng nangyari hindi na muli itong nagpakita at hindi na rin bumalik sa kanyang pinagtra-trabahuhan. Ang hinala ay siya ay nagtatago na at marahil umalis ito patungo sa probinsiya.

Nakakalungkot malaman na may mga ganitong pangyayari, kahit na galing sa ibang lahi si Mrs. Yang maawa ka sa sinapit niya pati ng kanyang anak.

Panoorin ang pagsasadula ng pangyayari:





Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you! 


Credits to: Tomo News

Related Posts:

0 comments: