Photo credit to owner |
Ikinuwento ng asawa ng lalaking nag-amok at nanaksak sa Central Park Tower Condominium sa Pasay City ang naging huling pag-uusap nila ng mister na tumawag pa sa kaniya matapos na mapatay ang kinakasama.
Sa ulat ni Ivan Mayrina sa GMA News TV "QRT" nitong Huwebes, sinabing humingi ng tawad si Thelma Garan, misis ng nag-amok na si Alberto Garan, sa siyam na naging biktima ng kaniyang mister.
Lima ang nasawi sa ginawang pananaksak ni Alberto, kabilang ang isang 12-anyos na babae. Bukod dito, apat pa ang kaniyang nasugatan, kabilang ang isang buntis.
Napatay din ng mga rumespondeng pulis si Alberto.
Si Thelma ang kumuha sa mga labi ng asawa at sa kinakasama nito na si Emilyn Sagun.
Ayon kay Thelma, hipag niya si Sagun dahil kapatid niya ang asawa nito.
Mula Cagayan ay nagtanan umano sina Sagun at Alberto noong Agosto 24 patungong Maynila.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na si Sagun ang unang napatay ni Alberto sa pamamagitan ng pananaksak at inihulog mula sa ika-14 na palapag ng gusali.
Matapos na patayin si Sagun, sinabi ni Thelma na tumawag sa kaniya ang mister at idinahilan na natuklasan nito na may ibang lalaki umano ang kinakasama kaya niya napatay.
"Inamin naman niya na ganun. Humihingi siya ng sorry. Tapos tinanong ko kung anong dahilan kung bakit niya napatay. Tapos ang sabi niya sa akin, parang may nakita siyang ka-ano itong Emilyn tapos hindi niya matanggap. Kasi, 'Nasira na yung pamilya ko dahil sa kaniya tapos ganyan pa ang ipapakita niya sa kin,' sabi niya," kuwento ni Thelma.
Ayon sa ginang pinayuhan niya ang mister at maging ng kanilang anak na sumuko.
"Sabi ko naman, sumuko ka na lang. Sabi niya, 'Oo susuko ako, susuko ako,'" dagdag ng ginang.
Hanggang sa mabalitaan na lang nila may iba pang nadamay at nasawi rin ang mister.
Aminado si Thelma na problema niya ang pagiging babae ng mister pero hindi raw ito sangkot sa droga.
Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you!
Source: GMA
0 comments: