This is not the actual photo of the victim, photo credit to owner |
Sa hindi inaasahang pangyayari noong Huwebes ng maghahating gabi, isang Uber Driver na si Jaime Mejia ang tinangayan ng kotse ng mga nagpanggap niyang pasahero.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, kwento sa kanila ni Mejia na nagbook mula sa Uber App ang mga nasabing pasahero mula Dona Juana Village papuntang SM Masinag sa Antipolo.
Habang binabagtas nila ang Marcos Highway, bigla siyang sinunggaban at hinawakan sa leeg ng isa sa mga lalake at pilit na pinalipat sa likod ng kotse.
Sa may Tanay, Rizal inihagis ng mga suspek ang biktima na tinakpan ang mata at nakatali ang kamay at paa. Mabuti nalang natanggal ni Mejia ang gapos kaya nakahingi ito ng saklolo.
Pahayag pa niya, meron isa pang lalaki ang sumakay sa minamaneho niyang Toyota Innova bukod sa 3 lalake na isinakay niya.
Sa ngayon,hindi pa nahuhuli at naibabalik ang kotse ni Mejia at patuloy na iniimbestigahan ng pulis ang nangyari kay Mejia.
|
http://ift.tt/2yzmEpz would like to take note that this website is manned by journalists, but they aspire to be one. Most of our writers don't have a degree in journalism or any English major. You may encounter some mistakes in grammar but rest assured that we will do everything we can to the best of our knowledge and abilities to minimize those errors.
Source: ABSCBN
0 comments: