Thursday, September 14, 2017

Jinggoy Estrada makakalaya na nga ba?

Credits to owner
Maingay na balita ang kumakalat ngayon na malapit ng lumaya si dating Senator Jinggoy Estrada.

Dahil out of 5, 3 Chief Justice ng Sandiganbayan special 5th Division ang pumabor na mapalaya si Jinggiy sa pamamagitab ng pagyad ng piyansa.

Ayon din kay Ramon "Bong" Revilla Jr. nagbabalut-balot nga diumano ito ng mga gamit niya.

Credits to owner

Sabi pa ni Revilla na siya raw ay speechless sa balitang ito. “Speechless ako, parang siyempre, I’m happy for him,”

“Nalulungkot ako dahil iiwan na `ko ni Senator Jinggoy. Medyo nagbabalut-balot na,” dagdag pa nito.

Credits to owner
Kaya naman lalong naging usap-usapan ang balitang ito.

Parehas sila ni Revilla na naghain ng "motion to bail" dati, ngunit binasura lang ito kaya nananatili silang nakakulong.

At sa ngayon ito na ang pangalawang petisyon ni Jinggoy na mukang sasangayunan na pagbigyan at umaasa din si Revilla na ganun din ang mangyayari sa kanya.

“I will leave that to my lawyers pero siguro naman gagawin din namin ‘yan tulad kay Senator Jinggoy, a second petition for bail. Kaya naniniwala pa rin naman akong merong hustisya sa bansa, dasal lang,” sabi Revilla.



Credits to owner
Ganun pa man kahit napapabalitaan na makakalaya na itong si Jinggoy hindi padin nailalabas ang resolusyon ng kanyang paglaya.


Comment your thoughts, hit Like and Share this article.


Source: Abante

Related Posts:

0 comments: