Sept 20 isang netizen ang nagpost ng isang photo na kaagad namang kumalat at nagviral sa social media.
Sa kabila ng mga hindi magagandang balita na naririnig at napapanood natin meron padin talagang kabutihan na mananaig.
Tulad nalang sa ginawa ng isang netizen natin na talaga namang maantig ang iyong puso, dahil sa panahon ngayon bihira nalang ang may gumagawa nito.
Credits to owner |
See full post:
Kagabi, around 7pm, biglang umulan ng sobrang lakas sa San Miguel. Nakakatakot yung kidlat at kulog. Andaming stranded. Pero etong si kuyang may payong, nagalok na ihatid ang mga tao sa mga sakayan (kasama kami dun).
Kami yung unang tinulungan niya at plano naming bayaran siya kahit magkano lang. Bilang pasasalmat ba.
Nung hinatid niya kami sa harap ng Robinson's, habang naglalakad, sabi niya:
"Ayan, di baleng ako ang mabasa. Wag lang kayo."
After niyang tumulong samin, ni hindi siya humingi ng kapalit. Umalis agad siya. TUMULONG SA IBA PANG WALANG DALANG PAYONG. HINATID NIYA KUNG SAAN SAAN.
Pinanuod ko lang siya kasi naamazed ako eh. hahaha.
After 30mins, tumila din yung ulan kahit papano. Nilapitan ko siya, at inabutan ko ng pangmeryenda. Nagpasalamat siya.
Napangiti ako kasi kita kong masaya siya na nakatulong siya sa maraming tao.
Minsan, sa kabila ng maraming pangit na nangyayari sa mundo, isang taong may mabuting puso lang ang kailangan natin para ma-restore yung faith natin sa humanity. KUDOS KAY KUYA!!! 👍👍👍
Credits to owner |
Sana magsilbi itong inspirasyon sa nakakarami masarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit. Sayang nga lang at hindi nakuha nung poster ang kanyang pangalan.
Pero ikalat padin natin ito mga kababayan sa simpleng share na gagawin natin isa na din yung pasasalamat na may nabubuhay pading mabubuti sa mundo.
Comment your thoughts, hit Like and Share this article. Thank You!
http://ift.tt/2yzmEpz would like to take note that this website is manned by journalists, but they aspire to be one. Most of our writers don't have a degree in journalism or any English major. You may encounter some mistakes in grammar but rest assured that we will do everything we can to the best of our knowledge and abilities to minimize those errors.
Source: Noel Guevarra
0 comments: