Photo credits to owner |
Simula ng nagkaroon ng nacro-politician list ang gobyerno isa-isa na nila ito ginagawan ng aksyon.
Sa isang press conference, sinabi ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na magsisilbi raw na 'babala' para sa mga pulitiko ang nangyari kay Mayor Reynaldo Parojinog Sr.
Dagdag pa dito asahan raw na dadami pa ang operayson ng PNP laban sa mga pulitiko na sangkot sa iligal na droga.
Sabi din ni Dela Rosa na mas gugustuhin niyang mabuhay si Mayor Parojinog Sr. para ito ay humarap sa korte. Dahil maari nga naman na makapag turo ito ng mga kasamahan pa niya.
Nagpaliwanag din si Dela Rosa sa pagputol ng mga kable ng CCTV sa bahay ng mga Parojinog.
Noong una, hindi daw siya payag sa gagawin na operasyon ngunit nung sinabi ni Chief Insp. Jovie Espenido na kailangan gawin ito para proteksyunan ang pagkakakilanlan ng mga kasama sa operasyon kaya pumayag din siya sa huli.
Sa ngayon magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights kaugnay sa nangyaring pagpatay sa pamilyang Parojinog.
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!
Credits to: News5
0 comments: