Monday, July 17, 2017

Noven Belleza allegedly arrested due to rape case

Photo credit to owner

Inaresto ang "Tawag ng Tanghalan" grand champion na si Noven Belleza, 22, sa Cebu dahil sa reklamong rape.

Ayon sa head ng Mabolo Police station sa Cebu City na si Chief Insector Jacinto Mandal Jr. si Belleza ay kasalukuyang naka hospital arrest sa isang pribadong hospital sa Cebu dahil sa pananakit ng dibdib. 

Pahayag ni Mandal sa PEP, Actually, I cannot expound about this case because this is considered as a private crime. “I cannot divulge you the name of the victim.
"Kilala mo na naman ang suspect, pero I cannot give you the specifics."

Habang kausap ng PEP ang Mabolo Police chief, nasa harapan daw niya ang biktima at mga magulang nito dahil nakatakda silang magsampa ng pormal na reklamo sa korte laban sa singer, bandang alas-dos ng hapon ngayong araw.

According to a Cebu Newspaper named 'The Freeman" meron isang singing champ mula sa isang sikat na noontime show and hinuli diumano ng pulisya dahil sa bintang na panggagahasa. 

Photo credit to owner

Ayon sa report, nangyari ang pag-aresto sa singer madaling-araw ng Linggo, July 16, sa IEC Pavillion, Barangay Mabolo, matapos itong mag-guest sa concert ng sikat na singer-host ng noontime show na pinanggalingan nito. Ang tinutukoy na concert ng pahayagan ay ang Pusuan Mo si Vice Ganda sa Cebu, kung saan guest si Noven.

Ayon sa pulisya, nabuo raw ang planong pag-aresto sa singing champ matapos nilang makausap ang biktima. mSa ulat pa rin ng The Freeman, 19 years old daw ang biktima na isang local performer sa Cebu. Dagdag pa sa ulat, nangyari umano ang panggagahasa bandang alas-dos ng madaling-araw ng Sabado, July 15, sa condo na tinutuluyan daw ng singing champ sa Barangay Lahug, Cebu City.

Ayon pa sa biktima, sinaktan daw siya ng singing champ nang pigilan niya ang ginagawa nito. Marami pa raw siyang detalyeng sasabihin kapag nakausad na sa korte ang kanyang reklamo.
Hindi rin daw siya makapaniwala sa ginawa sa kanya ng singing champ dahil magkaibigan sila.
Ayon pa sa biktima, “Wala ko nag-expect nga iyaha nang buhaton nako kay buotan man gud kay na siya, pero dili sad ko mosugot nga sayon-sayonon rako niya.” 

Ayon naman sa mga magulang ng biktima, hindi sila papayag na magkaroon ng settlement sa pagitan ng kanilang anak at sa singing champ.

Pahayag ng ama ng biktima, “Dili mi gusto nga duna pa siya’y laing mabiktima maong tinud-on gyud namo siya og kiha para makakuha mi og hustisya sa nahitabo sa among anak.” 

Sa kasalukuyan, huminge na ng pahayag ang aming source sa kampo ng Showtime, ngunit wala pa silang sagot sa isyu na heto.




Source: PEP

http://ift.tt/2ti34yW


0 comments: