Monday, July 17, 2017

Lalaki, naipit sa loob ng ATM

Photo credit to owner

Balita mula sa Texas, U.S.A., Na-trap sa loob ng ATM ang isang contractor na nagpapalit ng kandado nitong makina.

Sumaklolo sila sa isang lalaking naipit sa loob ng automated teller machine (ATM)!

Noong una, nagsisigaw mula sa loob ng ATM ang lalaki, pero inakala raw ng mga nagwi-withdraw ng pera na may gusto lang mang-trip sa kanila.

Dahil walang pumapansin, sunod nang naglusot ang naipit na lalaki ng piraso ng papel sa siwang kung saan lumalabas ang resibo kapag nag-withdraw sa ATM.

Noon pa lang daw tumawag ng pulis ang nakatanggap ng mensahe ng lalaki.

Sa ngayon, wala pang video o actual photos sa nangyaring pagkuha sa lalake sa loob ng ATM.










Source: ABSCBN

http://ift.tt/2us3DWo

0 comments: