Photo credits to owner |
Ipinag-utos nang Department of Education (DepEd) sa lahat ng pampubliko at pribadong eskuwelahan na magsagawa ng random drug testing sa mga mag-aaral sa high school ngayong taon.
Ganun pa man siniguro ni Undersecretary Jesus Mateo na hindi dapat mangamba ang mga magulang sa isasagawang drug testing dahil magiging 'confidential' ito.
Ayon dito bago sila magsimula ng pagsusuri, magka-karoon muna ng parent-teaher conference upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagsusuri sa kanilang mga anak at kung paano ang prosesong gagawin dito.
Siniguro rin ni Mateo na hindi malalagay sa kahihiyan ang mga batang sasailalim sa drug test dahil titiyakin nilang hindi maisasapubliko ang magiging resulta ng pagsusuri sa kanila.
Hindi rin naman aniya gagamiting ground para sa expulsion o disciplinary action sakaling matuklasang positibong gumagamit ng ilegal na droga ang isang mag-aaral at lalong hindi ito magre-reflect sa kanyang academic record o magagamit para masampahan ito ng anumang legal na aksyon.
Batay sa inilabas na guidelines ng DepEd, inaatasan ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na magsagawa ng random drug testing sa mga high school students simula ngayong taon.
Layunin ng pagsusuri na matukoy kung gaano na kalaganap o karami ang drug users sa paaralan para makagawa ng kaukulang hakbang at matulungan ang mga mag-aaral na matutukoy na gumagamit ng ilegal na droga.
Inaasahang ngayong taon ay masisimulan na ang random drug testing sa mga pribadong paaralan.
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!
Credits to: Abante-tonite
0 comments: