Photo credit to owner |
Para palakasin ang pananalig ng mga tao, isang ordinansa ang ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Santiago, Isabela para obligahin ang mga tao na magdasal pagsapit ng 6:00 p.m.
Batay sa ordinansang ipinatupad ngayong Agosto, dapat huminto ang lahat ng tao pagpatak ng 6:00 p.m. para magdasal sa loob ng isang minuto.
Obligado maging ang mga drayber ng mga sasakyan na tumigil upang sumunod sa ordinansa maliban sa mga ginagamit sa emergency cases tulad ng ambulansya at trak ng bumbero.
Layunin umano ng ordinansa na palakasin ang pananalig sa Diyos ng mga taga-Santiago, anuman ang kanilang relihiyon o paniniwala.
Suportado ng ilang residente ang kautusan na nagsabing puwede ring ipatupad sa iba pang lugar. Gayunman, may mga nasorpresa rin sa biglang pagpapatupad ng ordinansa na nilagdaan noong Mayo.
Aminado naman umano ang lokal na pamahalaan na kulang pa ang pagpapakalat nila ng impormasyon kaugnay ng bagong ordinansa.
Ang sandaling pananalangin nasaan ka man ay magandang pag-uugali hindi lang para sa buhay ng bawat isa kundi para na din sa bayan.
Ang pag-uugaling heto kapag nakasanayan na, ay magandang pamana sa mga darating na henerasyon.
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!
Source: GMA
0 comments: