Photo credit to owner |
Matapos ang post sa social media ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, agad bumwelta si Senador Antonio Trillanes IV na tinawag siyang "Senator Ugok".
Ayon kay Trillanes, hindi na niya papatulan ang ginawang pagtawag sa kaniya ng bise alkalde na ugok. Kasabay ng larawan na nakapost sa Facebook account ng lokal na opisyal na nagpapakita sa ilang miyembro ng Liberal Party na kasama ang negosyanteng si Kenneth Dong, na nadadawit sa P6.4-bilyong shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs at kinalaunan ay nasabat sa isang bodega sa Valenzuela noong Mayo.
“Yung medyo kabastusan portion o yung tema ng kaniyang mensahe, hindi ko na papatulan 'yan. Pero it reflects na ito ay hindi pinalaki nang maayos ng kaniyang magulang,” pahayag ni Trillanes nang makapanayam nitong Lunes.
“At hindi rin ako nagugulat kasi kung bastos yung tatay, malamang bastos din yung anak,” dagdag niya.
Photo credit to owner |
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!
Source: GMA
0 comments: