Tuesday, August 22, 2017

Lapeña wala naman siyang extra-­ordinary na ginawa sa PDEA- TRILLANES

Credits to owner
Prangkang sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na tuloy parin ang corruption sa Bureau of Customs (BOC) kahit tinanggal na si Comissioner Nicanor Faeldon at pinalitan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isidro Lapeña bilang bagong pinuno ng BOC.

Si Director Lapeña wala naman siyang extra-­ordinary na ginawa sa PDEA so expect the same sa Customs, walang drastic na mangyayari diyan. The smuggling, corruption there will continue,” patutsada ni Trillanes.

Remember galing din ng Davao iyang si Director Lapeña kaya I don’t have any expectations about the new Customs commissioner,” dagdag pa ng senador.

Naniniwala pa ang opposition senator na napuwersa lamang si Pangulong Duterte na tanggalin si Faeldon dahil kaliwa’t kanang batikos na ang inaabot nila sa publiko  ang isa ay ang paglusot ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa BOC kung saan nakaladkad si presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at ang pagkamatay ng 17-anyos na estudyanteng si Kian Loyd delos Santos sa kamay ng Caloocan City police.

Matagal silang nanahimik. Noong pumutok ‘yung kay Kian naramdaman nila ‘yung galit ng tao so they needed to come up with new gimmicks to appease the people. Lahat ito pa-consuelo de bobo na lang ito eh,” ani Trillanes.

Sinabi naman ni Senate President Pro-Tempore­ Ralph Recto na malaking trabaho ang naghihintay ngayon kay Lapeña bilang commissioner ng BOC dahil sa umaabot sa P165 bilyon­ kada taon ang nalulugi sa gobyerno dahil sa smuggling.

Sabi ng Presidente sa kanyang budget message na ang nalulugi sa pamahalaan dahil sa smuggling ay P165.5 billion kada taon mula sa mga iniwasang buwis.

Sa fuel smuggling, P44 billion a year o P120 million a day. ‘Yang data na ‘yan galing sa Pangulo mismo,” paglalahad ni Recto.

Sa kabilang banda malaki padin ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Lapeña na matutuldukan niya ang korupsiyon at bulok na sistema ng ahensiya. At pumapayang din siya na kung may balak man si Lapeña na magsagawa ng malawakang reorganisasyon sa ahensiya. 

Si Lapeña na kasalukuyang pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency ay papalitan ni PNP Region 3 Regional Director Chief Superintendent Aaron Aquino.
Samantala, tiniyak kahapon ni Senador Panfilo Lacson na mahihirapan na ang sindikato ng illegal smuggling sa loob ng Bureau of Customs (BoC) dahil sa pagkakatalaga dito kay Lapeña.
Ayon kay Lacson, magdadalawang-isip na ang mga protektor ng mga illegal shipments lalo na ang mga nagpapalusot ng droga sa BoC ngayong si Lapeña na ang bagong Customs commissioner kapalit ng “sinibak” na si Nicanor Faeldon.


Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you!


Credits to:Abante Tonite and Philstar

Related Posts:

0 comments: