Tuesday, August 22, 2017

WATCH: Grade 6 student nahuli ng guro na nagbebenta ng 20 sachets na marijuana sa Quezon City

Photo credit to owner

Nabisto ng mga guro ang isang grade six student na nagbebenta umano ng marijuana sa loob ng paaralan. Arestado ang tatlong pinagkukunan daw nito ng droga kasama ang isang kolehiyala.

Naaresto ang isang grade 6 pupil at tatlong iba pa matapos magbenta ng marijuana sa kapwa nila estud­yante  sa Quezon City.

Dahil sa pagiging menor de edad ay itinago na lamang ito sa alyas Lito, 16 na grade 6 pupil sa isang paaralan sa Brgy. Masambong;Ralph Norman Peñaflor, 25;  John Ross Ong, 18, kapwa taga -Brgy. San Antonio at Eunice Zhiska Zeta,  ng Brgy. Salvacion.

Nakita rin sa bag nito ang gamit sa pagdodroga gaya ng tube, tooter at lighter.

Photo credit to owner

Batay sa ulat, alas-11:30 ng umaga nang maganap ang pag-aresto sa isang elementary school sa Brgy. Masambong ng naturang siyudad matapos makumpiskahan si Lito ng kanyang guro ng 22 plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana,  glass tube at lighter mula sa bag nito.

Inamin ni Lito na nagbebenta siya ng droga sa kapwa niya estudyante at mayroon siyang kasabwat sa ginagawa niyang iligal na gawain na kung saan ay nadakip ang tatlong suspek sa buy bust.

Samantala, itinanggi Nila John Ross Ong, Ralph Peñaflor ang alegasyon pero idinahilan ng kolehiyalang si Eunice Zhizka Zeta na sinusuportahan niya ang sarili kaya pinasok niya ang iligal na gawain.

Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa dangerous drug act habang itinurn over na sa DSWD ang menor de edad na grade six student.

Sa follow-up operation, nadakip ang dalawang lalaki at isang babaeng 3rd year college student na itinuro ng binatilyo na pinagkukunan niya ng marijuana.



Sa ngayon,mga menor de edad ang ginagawang courier ng mga drug lords dahil sa hindi nga namin ito pwede  sampahan ng kaso. 

Paalala sa bawat magulang, tulungan natin ang ating pamahalaan na sugpuin ang droga dahil mitsa ito ng ibat-ibang krimen sa ating bansa.

Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you!




Source: GMA, RMN, PhilStar

Related Posts:

0 comments: