Sunday, August 13, 2017

LOOK: Isang bagger hinabol ang sasakyan ng nakaiwan ng gamit

Photo credits to owner

Dati ang kadalasan na makikita mo na post ng isang netizen sa social media ay ang pagsha-share ng mga feelings nila, pictures na ipinapakita kung saan sila nakarating o kaya naman kung anong klase ng pagkain ang kinakain nila.

Pero ngayon nadag-dagan na ang value ng social media, kasi nagsisilbi narin itong munting paraan para ipagsigawan sa mundo na hindi lahat ng tao ay masama.

Katulad nalang ang isang post na ito na talaga namang napaka pambihira ang ginawa ng isang service crew ng SM Megamall.

May nakakita sa kanya na tumatakbo ng mabilis galing sa grocery store papuntang parking lot ng St. Francis at may dala itong isang supot.

Ayon sa nakakita tila may hinahabol raw itong sasakyan para ibalik ang naiwang gamit at ang nakakabilib pa dito ng sinubukan siyang bigyan ng tip tinanggihan niya ito.

See full post: 

"Nakita ko si kuya tumatakbo ng mabilis mula SM megamall hanggang sa open parking ng St. Francis may dala dalang isang balot ng grocery. Sinundan namin ng tingin yon pala hinahabol niya ang isang kotse na nakaiwan ng gamit. Ang mas malupit inabutan siya ng tip tinanggihan niya ito. Ito ang mga taong dapat pinagmamalaki. May malasakit sa iba at sa kanyang trabaho. Share natin para mapromote si Kuya!
note: Ang effort ni kuya na takbuhin ang Department store hanggang Parking ng St. Francis ang nagpabilib sa amin dito... Kitang kita mong hapong hapo at pawis na pawis. Kahit Tumatakbo ang kotse hinabol pa rin niya.

Hindi lahat ng worker ay katulad niya na hahabulin ang bumili ng kahit gaano kalayo para maabot ang gamit"



Credits to owner

Good Job kuya! Sana dumami ang mga katulad mo. Sayang at walang nakakuha ng pangalan mo. 



Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

Credits to: Boy Astig

0 comments: