Sunday, August 13, 2017

VIRAL: ISANG SEKYU PINAHIRAM ANG KANYANG SARILING SAPATOS SA APPLICANTE

Photo credits to owner

Hanggang ngayon marami padin sa atin ang hirap na makahanap ng trabaho. Yung iba nga diyan gusto mag-apply, ngunit hindi magawa dahil unti mo lang pamasahe wala sila at yung iba naman walang maayos na damit para magamit sa pagapply.

Halimbawa nalang ang isang kumpanyang ito. May isang netizen na naka saksi sa nangyari sa isang applicant na kinausap ng guard at tinanong kung ano sadya niya sa kumpanya.

At habang kausap ito ng guard na pansin niyang naka tsinelas ito at sa kumpanyang pinuntahan nila meron silang sinusunod na dress code. Dahil bawal ang suot nito akala niya pauuwin na ito ngunit laking gulat niya sa ginawa ng guard.




See full post:

Hello, so habang naghihintay ako kanina para sa interview ko for internship, lumabas muna ako sa office kasi walang available na upuan sa loob.
Habang nakatayo ako sa labas, may dumating na applicant tapos tinanong siya nung gwardya kung anong kailangan nya, ganito.

Non verbatim
Applicant: Boss, magpapasa po ako sa loob.
Kuya Guard: Ano yun?
Applicant: Medical po.
Tapos tinignan ni kuya guard si kuya na naka tsinelas lang. Siyempre dahil bawal pumasok sa loob ng office na naka tsinelas akala ko pagsasabihan siya or pababalikin nalang kasi naka tsinelas nga. Tapos, biglang sinabi ni kuya na:
Kuya Guard: Ito, isuot mo ‘tong sapatos ko para makapasok ka.

GUYS NAIIYAK AKO KANINA DAHIL OO, ITONG MGA TAONG ‘TO AY NAG EEXIST PA SA MUNDO. Itong mga taong ‘to na may mga mabubuting puso na sinasabi nating bilang nalang, I encountered one of them today at naniniwala ako na marami pa sila. Siguro para sa iba maliit na bagay lang ang pagpapahiram ni Kuya Guard ng sapatos nya dun sa applicant pero para sa akin, at para sa taong natulungan nya, napakalaking bagay na nun. Malay ba natin kung yung trabahong yun ang pinakahihintay ni kuya na naka tsinelas? Syempre hindi natin alam ang kwento ng ibang tao. At siguro, hindi rin ito ang unang beses na ginawa ni kuya guard ang ganung bagay.

I am posting this to inspire people to also do good. Sana sa araw araw na may nakikilala at nakakasalubong tayong tao, sana wag tayong maging maramot, wag tayong maging mapang husga. Sana marami pang tao ang kagaya ni kuya.

Mabuhay ka, kuya guard! God bless you po.

*di ko nakuhaan ng picture yung saktong pangyayari kasi tinitignan ko lang talaga sila. hindi ko rin alam kung anong pangalan ni kuya guard. dibale aalamin ko.
Yun lang, maraming salamat. ๐Ÿ’“



Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!


Credits to: Pinoy Balita

0 comments: