Saturday, August 19, 2017

Mga pulis masahol pa sa terorista- Archbishop Oscar Cruz

Photo credits to owner
Mas masahol pa sa terorista kung ilarawan ng isang arsobispo ang mga pulis na nakakapatay ng suspek.

Kung maalala, nuong isang araw isang high school student ang itinumba sa Caloocan City, matapos na manlaban daw ito ayon sa mga pulis.

Ngunit hanggang ngayon hindi padin natin alam kung ano ba talaga ang katotohanan.

May mga nagsasabing di umano na pusher daw itong si Kian, pero sa kabilang sinasabi naman na mabait raw na bata ito at may nakakita sa mga pulis kung paano nila ito pinatay.

Ngunit ayon kay Archbishop Oscar Cruz, gasgas at luma na raw ang script ng mga pulis kung saan mahirap na itong paniwalaan.

Photo credits to owner

Photo credits to owner
Aniya, ‘kapag ang isang tao nabaril at bumagsak, malabong hawak pa niyan ang baril.’

Dahil dito sinabi ng arsobispo, ‘masahol pa sa terorista ang diskarte ngayon ng mga pulis.’

Paalala pa nito, ‘sagrado ang buhay ng tao at isabuhay ang 10 utos ng Diyos.’

Wala naman ganyanan, ‘sagrado ang buhay, ngayon mura nalang ang buhay’ – ‘Alam mo 10 lang ang utos ng Diyos, isa dito ang huwag kang papatay’ dagdag pa ng arsobispo.



Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

Credits to: RMN

Related Posts:

0 comments: