Wednesday, August 16, 2017

SHOOTOUT: 3 miyembro ng kidnap for ransom patay

Photo credits to owner

Tatlong miyembro ng kidnap for ransom group ang napatay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Biñan, Laguna.

Ayon kay Police Sr. Supt. Glenn Dumlao, director ng PNP – AKG, magsasagawa sila ng rescue operation sa Southwoods City, sa naturang lugar, nang maganap ang engkuwentro.

Aniya hawak ng mga suspek ang isang Indian national at humihingi ang mga ito ng P20 Million para sa ransom.

Photo credits to owner

Dagdag pa ni Dumlao magkakaroon sana ng 'pay off' ng ransom sa mga suspek sa isang sikat na fastfood chain pero bago mangyari ito nagkaroon na ng engkuwentro.

Dahil sa nangyari nailigtas ang hindi kinikilalang kidnap victim.

Kaya babala lang sa mga mayayaman, hindi kailangan ipangalandakan kung gaano ka kayaman. Mas maganda yung simple lang, sabi nga nila diba ang yaman eh hindi nadadala sa hukay. At higit sa lahat dapat magdoble ingat.




Comment your thoughts, hit Like and Share the  article. Thank you!


Credits to: Radyo Inquirer

Related Posts:

0 comments: