Photo credits to owner |
Isang binatilyo ang natagpuang patay dahil sa diumanong panghoholdap ng taxi driver sa caloocan.
Ayon sa Public Attorney's Office forensic laboratory services, masasabing tinorture at sinadyang patayin ang 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz.
Photo credits to owner |
"Masasabi nating execution style 'yung ginawa sa victim at very obvious yung intent to kill. Wala kaming nakita dun sa bumaril sa kanya na gusto siyang incapacitate lang," ani Dr. Erwin Erfe, hepe ng PAO forensic laboratory services.
August 17 ng huling makitang buhay ang binatilyo at pagkatapos ng 10 araw ng paghahanap nakita nila ang bangkay sa isang morgue sa Caloocan.
Panoorin:
Sa ulat ng pulisya, hinoldap raw nito ang sinasakyang taxi sa C-3 Caloocan. At nung mangyari ito nakahingi raw ng tulong ang driver.
Nang matiyempuhan ng pulis, nakipagpalitan diumano ng putok ang binatilyo kina PO1 Jefrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.
Pero giit ng magulang ng binatilyo na hindi raw ito holdaper at nakapagtapos ng valedictorian noong elementary, grumaduate sa isang science school at nakapasok sa UP Diliman.
"Masakit na masakit. Mahirap tanggapin 'yung ganon," ayon sa ama ni Carl Angelo na si Carlito Arnaiz.
Credits to owner |
Dahil dito biglang napauwi ang mula sa Middle East ang overseas worker na ina ni Carl Angelo na si Eva.
"Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi niya kayang gawin yun," ani Eva.
Sa tulong ng forensic experts ng PAO, lumabas na bukod sa 4 na tama ng bala sa dibdib at isa sa likod ng kanang braso, may indikasyon na tinorture o pinahirapan ang binatilyo bago binaril.
Credits to owner |
"Malalalim yung gasgas niya, kinaladkad siya, binugbog, magang-maga ang mga mata. Meron din kaming nakitang marka na siya ay pinosasan. Maraming marka ng posas sa kanan," saad ni Erfe.
Wala rin umanong indikasyon na nagpaputok ng baril si Arnaiz. Batay sa trajectory ng bala, maaaring nakaluhod o nakahiga na siya nang barilin.
Credits to owner |
Sa pahayag ni Atty. Persida Rueda-Acosta sila ay hihingi ng tulong sa DOJ.
"Tayo po ay dudulog sa DOJ para magkaso ng murder. Pinatay siya ng walang kaawa-awa. Nakaposas na paano pa lalaban yan?"
Galit naman ang mga magulang ng binatilyo sa mga pulis na pumatay sa anak.
"Parang mga anak ng demonyo walang awang pumatay," ani Carlito.
"Mga walang puso po sila," ani Eva.
Credits to owner |
Nangako naman si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief General Oscar Albayalde sa agarang imbestigasyon sa kaso.
"They will be automatically relieved, re-assign muna natin sa PHAU (Personnel Holding ang Accounting Unit) pending investigation. Yung case na yan I think that should be given priority. Pai-imbestigahan natin sa IAS (PNP- Internal Affairs Service) 'yan."
Hawak na ng PAO forensic team ang damit ni Arnaiz at isasailalim ito sa pagsusuri.
Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you!
Source: ABS-CBN
0 comments: