Monday, September 4, 2017

Trillanes kumbinsidong may namilit kay Taguba para linisin ang pagdawit kay Pulong at Atty. Manse

Photo credits to owner
Matatandaang binigyan linaw ni Mark Taguba ang pagdawit sa pangalan ni Davao City Mayor Paolo Duterte at Atty. Manse Carpio sa Bureau of Customs issue kumakailan.

At mariing niyang itinanggi ang pagdawit ng mga pangalan nito, ayon sa pahayag ni Taguba, nalaman daw niya na may kumakalat na maling balita sa social media na may kaugnayan sa kanyang mga naging testimonya sa kahapon (Agosto 31) sa Blue Ribbon Committee hearing sa Senado.

Credits to owner
Ngunit sa kabila ng kanyang pagtanggi, buo parin ang paniniwala ni Senator Antonio Trillanes IV na may nagpressure raw diumano kay Mark Taguba para iabswelto sina Paolo Duterte at Manse Carpio.

Ito ang naging reaksyon ni Trillanes sa statement na inilabas ni Taguba kung saan nag-sorry ito kina Pulong at Manse kasabay ng pagdawit ng mga pangalan nila sa anumalyang nakalusot sa BOC na shipment ng shabu na galing China.

Giit ni Trillanes, malinaw sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na napanood ng taongbayan na sa palitan ng text messages niya at tita Nanie ng Davao Group ay dawit ang mga pangalan ni Pulong at Atty. Manse.

Diin pa ni Trillanes, hindi pinilit si Taguba na sabihin ang mga pangalan nina Pulong at Atty. Manse sa senate hearing.

Kaya naman ayon kay Trillanes hindi mababago ng written statement ni Taguba ang basehan kung bakit dapat paharapin sa pagdinig sina Pulong at mister ni Mayor Sara Duterte.

Inihalintulad pa ni Trillanes ang pahayag ni Taguba sa pakikipagkita ng magulang ni Kian Loyd Delos Santos kay Pangulong Rodrigo Duterte na wala ding epekto sa kaso ng pagpatay kay Kian.



Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you!



Source: rmn.ph

0 comments: