Photo credit to owner |
Mas mabilis at simpleng proseso ng paniningil ng pera ang isinusulong ngayon ng Korte Suprema sa ilalim ng revised small claims procedure. Imbes na taon ang aabutin, makakukuha na ng desisyon sa loob lamang ng 30 araw mula nang magsampa ng kaso.
Sa ilalim ng revised small claims procedure, hindi na kailangan ng abogado para maningil ng hindi lalagpas ng P200,000. Kailangan lang ay small claims form at supporting documents.
Kabilang dito ang bayad para sa utang, upa, serbisyo, pagbebenta, at pagsasangla.
Ang revised small claims procedure ang nakikitang solusyon ng Korte Suprema para mabawasan ang libo-libong kasong isinasampa sa korte, at mabigyan ng remedyo ang mga mahihirap na hindi kayang magbayad ng abogado.
Mas mura rin ang filing fee at posible pang makakuha ng exemption kapag indigent o wala na talagang pinansiyal na kakayanan ang tao.
Ngunit para hindi maabuso ang sistema, may karagdagang bayad sa bawat defendant na idadagdag. May dagdag-bayad din kapag higit limang beses nang nagsampa ng kaso sa loob ng isang taon.
"Ito po ay abot-kayang hustisya. 'Pagkat sa pananaw namin, wala pong maliit na halaga na hindi dapat solusyunan ng hustisya. Sa small claims, pananatilihin natin na ang batas ay maging simple, mabilis, abot-kaya," ayon kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Noong 2010 pa nang unang ipatupad ang small claims procedure pero Pebrero ng nakaraang taon lang tinaasan ang halaga na maaaring singilin. Mula sa P100,000 noon, P200,000 na ngayon.
Pinaigting naman ng Korte Suprema ang information campaign sa social media, maging sa mga paliparan at embassies para makinabang din ang mga overseas Filipino workers.
Dahil nauuso ang pagpapautang, ang revised small claim procedure ay makakatulong ng malaki sa mga maliit na negosyante na ang pangunahing kinabubuhay ay ang pagpapautang.
Source: News/ABSCBN
http://ift.tt/2uyjmR8
0 comments: