Kinasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ang magkapatid na sina Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog, Jr.
Nahaharap si Nova sa mga kasong illegal possession of firearms and ammunition at possession of dangerous drugs.
Ito ay matapos madiskubre sa bahay ng bise alkalde sa Brgy. San Roque ang mga armas tulad ng M-16 rifle at mga ammunition.
Tatlong counts of illegal possession of firearms and ammunition, illegal possession of explosives at dangerous drugs naman ang isinampa laban sa kapatid nitong si Reynaldo.
Ang granada na nakuha sa bahay ni Reynaldo ang dahilan kaya sapat daw na kasuhan siya ng illegal possession of explosives.
Pareho rin silang nakuhanan ng illegal drugs at drug paraphernalia.
Non-bailable ang illegal possession of explosives at kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs law.
Sa resolution, kinatigan din ng DOJ ang dahilan ng PNP kung bakit na-delay ang inquest proceedings sa magkapatid na Parojinog. Kinwestyon kasi ng kampo ni Parojinog ang pagkulong sa kanila kahit natapos na ang 36-hour na reglementary period.
Ang sagot ng PNP, naantala ang inquest dahil dinala pa raw kasi sa Maynila ang magkapatid na Parojinog dahil sa isyu ng seguridad. Ibinalik din ang warrant at imbentaryo ng mga nakuhang items sa Quezon City RTC.
Ayon sa DOJ, excusable ang pagkakaantala ng inquest. Valid din daw ang pag-aresto at pagkulong sa magkapatid.
Mabilis na isinumite para sa resolusyon ang reklamo matapos mag-waive ang mga Parojinog sa karapatan nito na magkaroon ng preliminary investigation.
Source: News5
Source: News5
0 comments: