Sunday, September 10, 2017

Estudyante: "Sinipa, pinukpok at inikot-ikot ako ni teacher"

Photo credits to owner
Sino nga ba si "Teacher" sa mata ng mga kabataan ngayon? 

Mayroong magsasabing, sila ay maituturing nilang kaibigan at kung minsan ay pangalawang magulang. Ngunit meron ding naman kabaligtaran ang sinasabi tulad ng "nakakatakot siya o ayaw ko sa kanya"

At para sa mga magulang naman, maituturing nila itong katuwang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Sa kadahilanan na halos buong oras ng mga bata teacher ang kanilang kasama.

Pero sa kwentong ito kabaligtaran ang naranasan ng isang bata sa kanyang teacher.

Sept 6 ng may isang ginang ang humingi ng tulong sa kilalang investigative and public service program na "Bitag action center" na pinukpok at sinipa diumano raw ang kanyang grade 4 na anak na si Stephen ng kanyang guro.

Ayon sa ina ng bata, nagsumbong sa kanya ang kanyang anak na sinasaktan raw siya ng kanyang guro at dahil duon gumawa na ng aksyon ang kanyang ina.

At ng kausapin ng ahensiya ang bata, dinitalye niya ang buog pangyayari kung paano siya sinaktan ng kanyang guro.

Credits to owner
Kwento ni Stephen "Sinipa ako dito (ang tinutukoy ay ang kayang binti) tapos nagkapasa po ako.."

Dagdag pa ng bata na palagi raw siyang sinasaktan ng kanyang guro. at hihiling na paalisin na ang kanyang teacher para wala ng manakit sa kanila ng mga kaklase niya.

At dito nagdesisyon na ang ahensiya na puntahan ang guro upang malaman din ang panig nito.

Panoorin ang buong kwento:


Ayon sa nanay ng bata sila raw ay nagsumbong na sa guidance ngunit wala naman nangyari patuloy parin ang pananakit ng gurong ito.

Nang nakaharap na ng ahensiya ang guro upang pakinggan ang kanyang panig, mapapansin na magkaiba ang kanilang kwento.

Ayon sa teacher nadapa raw ito sa semento sa hagdan nuon Miyerkules (Sept 5, 2017) at mariing na itinanggi na sinaktan niya ang bata.

Ngunit ng tanungin muli ang bata kung kailang siya sinaktan ng kanyang teacher , sinabi nito na Miyerkules nangyari iyon (Sept 5,2017).

Credits to owner
Dahil dito sinabi ng guro na may nakakita o testigo na ito ay nadapa nuong araw na iyon, ngunit ng tanungin ang mga kapwa estudyante tila iba-iba din ang kanilang sagot.

Credits to owner
Pero pilit padin ang tanggi ni Ms. Fajardo (Guro) sa bintang ng kanyang estudyante, At dito nagsimula ng magsabi si Stephen na "Hindi ako magsusumbong kung hindi totoo".

At sa huli nagkaayos naman ang nanay at ang guro ng bata. Humingi rin ito ng paumanhin kahit na itinatanggi ang akusasyon sa kanya. Nangako din ang principal ng Laon Laan Elementary School na hindi na hindi na ito mauulit.

Sa mga nakapanuod ng balitang ito, may mga netizen na naniniwala na dapat ay ipatanggal ito sa pagtuturo. See their post:


Credits to owner


Comment your thoughts hit Like and Share the article. Thank you!


Source: Bitag 

0 comments: